White Christmas

December 31st, 2006 by lamariposa

Hindi ko makakalimutan yung unang apak ko sa snow. Tandang-tanda ko, December 1 nun, Friday dito sa Chicago. Tapos sabi ng tita ko sa kin, "Dali, isuot mo itong jacket at pipicturan ka namin sa snow!" Pero ako lang yung lalabas ha. Sila, maiiwan sa loob ng bahay. Bakit kaya? Ayaw ba nila damahin ang nyebe?

Ako naman, excited kasi mula sa dining hall, kitang kita ko na parang ang ganda ganda kasi puting puti at natabunan yung buong lawn at veranda ng bahay. White Christmas na ito! Ang imagination ko pa nga eh ang snow ay parang maliliit na bolang nahuhulog mula sa langit. Alam mo yun, parang sa cartoons tapos pwede kayong mag holding hands to keep each other warm. Iniisip ko pa nga, kapag nag melt ba ang snow ay babaha parang sa Pilipinas? Pag ba winter, araw araw may snow? Malamig ba talaga ang snow?

Golly, mali pala ako! Akala ko super cute na makipag habulan sa snow pero pag apak ng boots ko, oh my! Lumubog ng two inches! Malakas yung buhos nung araw na yun kaya ang taas na ng accumulation. Para nga akong sakang na naglalakad kasi baka madulas ako dahil hindi ko makita yung sahig. Tapos nahuhulog yung mga snowflakes sa salamin ko at nanginginig akong ngumiti sa camera kasi ang lamig!!!

Sabi ng Tita ko, "Mag train na lang kayo ni Jessie. Ayoko mag drive kasi di pa na-plough yung snow sa kalsada kaya madulas." O sige, sabi ko. Adventure din yun.

So nag-aabang kami ng tren sa ginaw para maganda yung pwesto namin. Nagmamadali kami kasi akala namin yung padating na yung sasakyan namin. My golly, mali na naman! Cargo train pala yun at hindi siya hihinto! So dahil rumaragasa ito eh lahat nung snow eh tumalsik sa amin ni Jessie sa gilid. Sapul na sapul kami! Isipin nyo yun bumabaha tapos may kotseng dumaan para matalsikan kayo ng putik. Parang ganun, pero yung amin nga lang ay isang mahabang train.

So natawa na lang kami dahil parehong naging cloudy ang salamin namin dahil sa impact. Nag wish kami na sana yun na ang huling araw ng heavy snow.

:)

Mga pang-aliw

November 29th, 2006 by lamariposa

May mga araw na hindi ako makapaniwalang nasa America nga ako. Ito yung mga panahon na nakasakay ako sa passengers seat papuntang grocery o ospital. Tinitingnan ko yung mga cornfields, mga kalsada at building at iniisip ko, "Parang ganito rin naman sa Pilipinas ah, may mga palayan sa gilid ng highway, may mga tabi-tabing gusali at maraming tao. Ano bang iba dito?"

Siguro naikukumpara ko yung pakiramdam ko nung pumunta ako sa Italy two years ago. Pagdating ko kasi doon, parang pakiramdam ko ay nasa ibang planeta ako dahil sa dami ng mga nakapaligid na ancient ruins. Ang ganda kasi, parang panaginip! Ibang-iba ang ambience kasi para kang nasa pahina ng history book. At imagine, kakain ka ng dinner al fresco tapos ang gwapo ng waiter at ang view mo ay ang Coleseum. O diba, astig? Dito, hindi ganun ang feeling ko. Wala pa akong na-meet na gwapong Amerikano at walang view na kasing majestic ng Coleseum kaya parang ordinaryo lang.

Nasasabi ko lang ito dahil hindi pa ako nakakapamasyal dun sa mga major tourist attraction ng Chicago. Baka pag nakita ko ang mga yun, magbago rin ang isip ko. Kaya naman, sa maliliit na bagay ko nararamdaman na totoo ngang nasa "land of milk and honey" ako.

Ito ang ilan sa mga nakaka aliw na nakita ko:
- xerox machine na pwedeng mag staple mag-isa
>>> kung sa Pilipinas ito, mababawasan ng trabaho yung mga assistant sa xeroxan.

- yung ref na pag pinindot mo yung controls sa pinto eh pwede kang kumuha ng crushed ice, cubed ice or water
>>> hindi lang ako sanay kasi for the longest time, eh bago ako makakuha ng malamig na tubig eh mag freeze pa ako ng yelo at magpapalamig ako sa pitsel ng tubig

- yung mga gigantic flat screen TV sets (kasi more than one TV in a house) at billiards tables sa bahay ng mga Pilipinong na meet ko dito
>>> nung pumunta ako sa mga bahay nila, parang naisip ko, bakit parang ang yaman nila? kung sa Pilipinas ito, kailangang sobrang laki ng sweldo mo para ma-afford mo ang ganitong lifestyle. at bakit parang malinis lagi ang bahay nila? nasan kaya yung alikabok?

- yung fancy controls ng mercedes benz ng tita ko
>>> ang kulit nung kotse kasi may "lumbar control" ung drivers seat at pwede painitin yung upuan para pag malamig, feeling mo isa kang manok na may hinahalimhiman na itlog. pero dahil sa dami ng features nung kotse, siguro isang buwan bago mo matapos basahin yung manual.

- yung neighborhood na postcard perfect ang itsura - may mga magagandang Christmas lights sa labas, walang basura, pero amazingly, wala mabibilang mo ng isang kamay kung ilan ang mga batang naglalaro sa labas ng bahay.
>>> Ewan ko kung nasa school silang lahat o nanonood ng TV pero weird lang para sa kin na walang mga bata sa kalye na kailangan mong businahan kasi baka mabangga sila ng kotse mo. Siguro kaya ganito ang itsura kasi nasa private subdivision ako pero nakakapanibago pa rin.

- at pinakahuli, yung comforter sa kama. ang sarap kasi mag cuddle up!!!

:) Snow na lang ang kulang, at nasa America na talaga ako. Haha!

What I am thankful for

November 17th, 2006 by lamariposa

three days before the end of the quarter, this was our prayer before our pre-thanksgiving meal:

WHAT AM I THANKFUL FOR?

I am thankful for being here, for being alive, and for being loved.

I am thankful for spending seven hours in the library because I know I was able to contribute to our paper and eat free cheesecake because it was Dan’s birthday.

10am - 12nn: Library - Study room: workd on group conference paper
                     Dessert - 1 slice Bailey’s cheesecake with chocolate graham 

I am thankful for having the chance to get a tasty lunch at $7.50.

12nn - 1pm  : Lunch   - Shishah: Beef curry with chutney on white rice
                     Dessert - 1 slice Bailey’s cheesecake with chocolate graham

I am thankful to my mom who encouraged me to read and to my communication teachers who trained me to write well.

1pm - 6pm   : Library - Study room: workd on group conference paper
                     Got my book review from my professor. (96 points and helpful comments!)

I am thankful for the chance to embrace all my friends here in Athens and share a meal with them.

6:30pm - 8pm: The House of Eunice - Pre thanksgiving dinner
roasted turkey with gravy
cranberry sauce
garlic mashed potato
cornbread stuffing
macaroni and cheese
brocolli and cheese
pumpkin pie
banana cream pie

I am thankful my survey sheet from New York arrived yesterday.

8pm - 2am: Work on research paper

And most of all I am thankful for the chance to dream.
2am: My bed.

Bagoong at nosebleed

October 26th, 2006 by lamariposa

Ilang beses akong napamura dun sa loob ng Asian Market kasi first time ko lang dun kanina with Sumi, my Japanese roommate, at si Laura. Para akong tanga at tuwang tuwa silang pagmasdan ako nung makita ko yung mga Filipino products. Nasa first shelf yung dried mangoes pero inaasahan ko naman yun so hindi ako nabigla.

Pero nung nakita ko yung tocino at longganisa, napasigaw talaga ako, "OH MY GOD!!!" Ang brand ay ‘Pampanguena’ so sigurado akong from the Philippines. "May tocino dito!" Pero hindi ko binili kasi mahal - $3.49. Tapos nakita ko yung Mama Sita’s sinigang sa bayabas mix.

"Hey Laura!!! Do you know what this is? This is guava used as souring ingredient. It’s delicious! I’ll cook it for you and you’d love it!"

I saw this whole range of Mama Sita products pero mas madami pa rin yung tinda nilang Japanese ingredients at Chinese sauces. Tuwang-tuwa ako nung makita ko yung canned langka, canned rambutan, nata de coco at sotanghon.

Pero ang pinkamalaking sorpresa ay may tinda silang bagoong at Ligo sardines. Oh my!!! Langit na ito! Bumili ako ng isang maliit na ligo para naman hindi ako magka-goiter dahil konti ang tindang salwater fish dito. Pero yung bagoong, $6 ang isang bote, at absurd naman kung bibilin ko yun.

Masayang masaya kaming tatlo kayat nakalimang plastic kami ng grocery.We’re looking forward to a week of Asian food. Tuturuan ko nga si Sumi magluto gamit ang patis sa susunod. Kasi, bumili siya ng isang bote eh hindi naman pala niya alam gamitin. Kaya pag-uwi ko minsan e amoy patis yung bahay namin kasi napadami yung lagay niya at hindi masarap ang naging lasa. Di bale, trade na lang kami, tuturuan nya ako magluto ng Japanese food (gusto ko yung koroke) at tuturuan ko siyang magluto with patis.

______

Mahirap isipin kung gaano kalamig ang zero degrees celsius kung 23 years ka nang nakatira sa isang tropical na lugar gaya ng Pilipinas.  Ang summer sa atin ay umaabot ng 36 degrees at sa ordinaryong araw naman ay 26 degrees. Hindi mo na kailangan magkonsulta sa PAGASA dahil most of the time, mali naman prediction nila at alam mo naman na either pagpapawisan ka or uulan. Kaya pagdating sa pagdadamit, kahit gusto mong pumorma at magsuot ng trenchcoat para magmukhang fashion-forward ay hindi kakayanin ng powers mo ang init.

Kaya naman sobrang nanibago ako noong nagsimulang bumagsak ang temperature dito sa Athens. Pagkagising ko, ang una kong tinitingnan sa Internet ay ulat panahon
para ma-estimate ko gaano kadaming layer ng damit ang kailangan. Tapos,
pagbaba ko sa first floor, bubuksan ko yung pintuan at iwawagayway ko
sa hangin yung isang kamay ko para maramdaman ko kung gaano talaga
kaginaw ang hangin. Ang weird lang talaga na tanghaling tapat ay
makikita mong naka-jacket ang mga tao. Kahit may araw ay nanininigas
ang dulo ng daliri ko at lagi akong naka-curl up sa kama. Ang quick
solution ko ay upuan ang aking kamay pero minsan hindi rin gaanong
nakakadagdag sa init. I guess I’m not that hot after all, mweheheh!

Isa pa, dumudugo ang ilong ko (yung kaliwa lang ha) dahil tuyo ang hangin. Literal na nose bleed ito, hindi nga lang nahuhulog ung dugo kasi naninigas! Lagi na rin nakataas ang balahibo ko.  Dati, nakakapag-bike pa ako na nakasuot ng mini skirt, boots, at tank top. Ngayon, hindi na. Nakasuot ako ng dalawang t-shirt, dalawang jacket, leggings sa ilalim ng jeans, socks na halos hanggang tuhod, boots, scarf, bonnet, at mittens para lang magbisikleta ng sampung minuto papuntang klase. Kulang pa daw yun kung below zero ang temperature.

Hay, hay, what i would do for some warm sunshine!

Sabit

October 4th, 2006 by lamariposa

Kaninang umaga, ang ganda ng itsura ko - naka black velvet akong palda, sleeveless black shirt at pink cardigan at suot ko yung trademark blue eyeglasses ko. May reporting kasi kaya kailangan pretty. Ok na sana lahat eh - nakahelmet na ako at naka-back pack.

Ang problema….sa gitna ng kalsada…naipit yung palda ko sa gulong ng bisikleta.

Sinasabi ko nga ba eh. Kaya pala habang nag pepedal ako ay hindi nililipad ng hangin yung palda ko. Unti unti na palang kinakain ng gulong habang sinusundan ko si Laura, yung roommate ko. Hindi ko kaagad pinansin kasi green na yung traffic light pero kinakabahan na nga ako kasi paano kapag nagtuloy tuloy at mawarak ung palda ko sa gitna ng kalye? Wala pa naman akong shorts o half slip na suot at hindi naman Victoria’s Secret yung panty ko.

So pagdating namin sa harap ng building, sumigaw ako kay Laura .

"Uy! Tulungan mo naman ako bumaba sa bike! Pumulupot yung tela sa gulong!"

So medyo kakaiba ung itsura namin kasi sa pagitan ng dalawang nakapark na kotse, andun siya binabatak ung damit ko samantalang nagba-balancing act ako dahil nasa pagitan pa rin ng legs ko yung bike. Akala ko nga guguntingin na niya para lang matanggal.

"There! It’s off!"

Hay salamat!! Kulang na lang halikan ko siya sa tuwa! Imagine nyo na lang, kung hindi ko siya kasabay, paano ko tatanggalin yun kung walang tumulong sa aking passerby? Tatanggalin ko kaya yung palda ko sa gitna ng kalye out of desperation? 

worried about uplb

September 30th, 2006 by lamariposa

"hard hit ang lb ng bagyong milenyo!" ito ang sabi sa akin ng lahat ng mga kaibigan ko sa UPLB. pati daw punong acacia sa tabi ng admin ay tinangay ng malakas na hangin. walang kuryente, walang tubig sa maraming lugar.

yung bahay ng dati kong officemate sa pahinungod, binaha daw putik. yung bahay ng kaibigan ko sa anos, inabot ng tubig baha yung 1st floor ng bahay nila kaya basang-basa ang mga sofa at cabinets. yung UP Open University Library, hindi rin nakaligtas, sabi ng boyfriend ko. Nabasa rin. At ang kwento ni Kuya Rommel, mukha daw winasiwas na walis ung  LB Square, ang campus hangout, nasira daw yung hanging bridge, at kitang kita daw yung ilog sa Palma Bridge. Ang tindi talaga!

niisip ko yung mga dormates ko na nakatira dun sa VC Systems. Kamusta kaya sila? HIndi well insulated yung lugar namin kaya malamang sobrang gininaw sila nung bagyo.Yung roommate ko ngang si France, binilinan kong magkumot mabuti at  mag ingat dahil sigurado akong madilim at malamig sa dorm namin.

sana magkailaw na at magkatubig. sana matulungan kaagad yung mga nasalanta. sana yung susunog na bagyong si Neneng ay hindi na malakas. at sana nasa mabuting kalagayan ang lahat ng mga kaibigan at kakilalla ko. yan ang prayer ko ngayon bawat gabi.

STRANGE BUT REAL

September 27th, 2006 by lamariposa

Advertisement on the yellow pages of our verizon directory:

ABORTION ALTERNATIVES

"The following businesses have represented that they provide counselling and/or information on alternatives to abortion. We strongly urge you to make your own investigation and evaluation of the busine to determine if they offer the services you require."

Walang ganitong ad sa Pilipinas. Na-shock ako.

Sana uminit pa!

September 21st, 2006 by lamariposa

para akong isang sisiw sa poultry na tumatabi sa ilaw ng lamp para mainitan tuwing umaga at gabi. nilalamig ang kamay ko tsaka ang paa ko kahit may medyas at nakabalot ako sa kumot dahil patuloy na bumababa ang temperature. tinatapat ko yung palad ko sa bulb sa tabi ng study table ko para mawala ang nginig sa mga daliri ko at makapag-notes ako ng maayos.

iniisip ko, mag-heater na lang ako kapag hindi na kaya ng powers ng dalawang kumot at sweater ang ginaw. kasi, pag pinaandar ko yung heater, tataas yung bill namin at wala pa akong sweldo til oct. 1. sana uminit pa at magkaroon pa ng sunshine para sa akin!

minsan iniisip ko, kung mababawasan ba ang perceived coldness nararamdaman ko kung meron akong ka-holding hands. kasi pag nagsisimba ako pag Linggo, may isang couple - lolo at lola - na super sweet sa buong misa. imagine, kapag yung part ng gospel na "Glory to you o Lord" e si Lolo ang gagawa ng sign of the cross kay Lola tapos mag-kiss sila! Tapos lagi silang magkahawak - kamay.

Minsan natutuwa ako, pero minsan naiinggit ako. Naiiyak na nga ako minsan sa inggit at gusto ko silang sigawan na "pwede ba, wag masyado!!!!" Kasi naman, nakaka-miss, lang talaga. Eh kahit nga "Ama Namin" eh wala akong ka-holding hands at parang kulang kahit saang anggulo ko tingnan. Iba pa rin yung human touch to make you feel part of something - a relationship, a family, a community.

May mga pagkakataon na ang hirap lang talaga isipin na two years walang mag-embrace sa kin in the way I want to be embraced. Sinusubukan ko na lang yun bawiin sa mga sulat at sa mga images sa webcam. Minsan, sapat na yun pero pag hindi na, bubuksan ko na yung heater sa kwarto.

:)   

fishy glory

September 12th, 2006 by lamariposa

My lunch menu for today:
- fried catfish fillet (seasoned with salt, pepper, and 1/2 lime) with dipping sauce (made of patis mixed with sugar, garlic, and chilis)
- garden salad
- 2 glasses of 2% reduced fat milk

Habang kumakain ako ng isda for lunch, naisip ko, namimiss ko yung tinik, yung buntot, tsaka yung ulo ng isang tunay na hito. Wala lang. Siguro nasanay lang ako sa fried catfish na pwede kong ngatngatin yung malutong na tinik pagkasawsaw ko sa toyo at calamansi. Dito kasi, puro fillet na yung nakatinda. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kaibahan ng catfish sa salmon sa sea bass pag fresh sila.

Kung sa bagay, convenient rin ang fillet kasihindi ko na kailangang linisin pa pagkabili ko sa grocery. Madaling iluto kasi hiwa na at hindi ko na kakaliskisan. Hindi ko na rin kailangan mag reserba pa ng saging sa ref para may pantulak ako kung sakaling matinik.

Pero iba pa rin yung makita ko na  isang tunay na isda, in all its fishy glory, ang kinakain ko. Yung iba kong kaibigan,  hindi nila maimagine kumain ng isda kung nakatingin ang mata sa kanila. Para naman sa akin, nawawala yung excitement sa paghihimay at sa pagsimot, na expertise ng mommy ko. 

Malamang sa ibang states na malapit sa dagat, madali at pangkaraniwan makakita ng mga "fresh catch" pero dito sa Athens, wala akong ganyang pagkakataon. So siguro, tiis tiis muna ako hanggang dumating yung panahon na makakain ulit ako ng isang tunay na isda.

:)

Follow that car!

September 10th, 2006 by lamariposa

on the way to a picnic last saturday, naligaw kami. may dalawang kotseng nakasunod sa amin at walang ni isa na may dalang mapa. puro puno at mga highway na mahaba na walang tao ang nakita namin kakahanap sa Baker Road. At one point, pumara kami ng driver para itanong yung daan pero pagkatapos nun, nagmadali lahat ng mga kotse at nagkawalaan kami.

kanino kaya kami magtatanong na tama ang ibibigay na direksyon? iba iba kasi ung sinasabi namin pero isang oras na at nasa loob na kami ng gubat e wala pa ring lumalabas na farm. mauubos na nga yung gasolina namin eh. Nung nakakita kami ng police car sa isang far away neighborhood, sobrang desperado na si Stela Matutina from Tanzania kaya ang sabi niya,

"Let’s follow that car and ask him!"

Pero ayaw ni Laura. "We can’t follow the police until he gets home, you know. He might think we’re stalking him!"

Kung sa bagay, san ka nga naman nakakita ng civilian na sumusunod sa pulis para lang magtanong ng direksyon. Malay ba namin kung san pupunta ung pulis na yun diba?

Laura was frustrated because we were so lost and she did not know what to do. Nasa Albany na kami by this time at ilang highway na ang nalampasan namin. She said if we did not find it, she’ll just treat us at Dairy Queen then we will go home. Ako naman, I was her cheerleader. I was not concerned at all whether we get to the picnic or not or if we were lost. Im poor at directions myself and I was not the driver so the best thing was to tell both of them we’ll find our way somehow.

And fortunately, that got us through the day. We found the right road after one hour. Bumawi na lang kami sa pagkain at masaya kaming umuwi.