Mi espanols es mal

June 24th, 2007 by lamariposa

saturday
am (june 23), i went jogging around the neighborhood. unfortunately, i got lost on the
way back and i ended  up asking directions from a spanish speaking family
on how to get home. just when i needed to speak the language, all my verbs and my vocabulary goes down the drain.

"Hola!"
>>> Hola!

"Una pregunta…Graham road, la direccion?"
>>> (the two women look at me with blank stares)

"Graham road - G-R-A-H-A-M uhm… (then i point to right and left)??

the hitch was, they couldnt understand my spanish.
luckily, the 7 year old son understood what i was saying. He translated to his mom and responded
to me in english.

"Graham road is that way!"
>>>>> GRACIAS!!!!!

Almost Lover by A Fine Frenzy

June 22nd, 2007 by lamariposa

¡¡me gusta esta canción mucho!!!

______________________________

Your fingertips across my skin
The palm trees swaying in the wind
Images
You sang me Spanish lullabies
The sweetest sadness in your eyes
Clever trick

Well, I never want to see you unhappy
I thought you’d want the same for me

[Chorus]
Goodbye, my almost lover
Goodbye, my hopeless dream
I’m trying not to think about you
Can’t you just let me be?
So long, my luckless romance
My back is turned on you
Should’ve known you’d bring me heartache
Almost lovers always do

We walked along a crowded street
You took my hand and danced with me
Images
And when you left, you kissed my lips
You told me you would never, ever forget
These images

Well, I’d never want to see you unhappy
I thought you’d want the same for me

[Chorus]
Goodbye, my almost lover
Goodbye, my hopeless dream
I’m trying not to think about you
Can’t you just let me be?
So long, my luckless romance
My back is turned on you
Should’ve known you’d bring me heartache
Almost lovers always do

I cannot go to the ocean
I cannot drive the streets at night
I cannot wake up in the morning
Without you on my mind
So you’re gone and I’m haunted
And I bet you are just fine

Did I make it that
Easy to walk right in and out
Of my life?

[Chorus]
Goodbye, my almost lover
Goodbye, my hopeless dream
I’m trying not to think about you
Can’t you just let me be?
So long, my luckless romance
My back is turned on you
Should’ve known you’d bring me heartache
Almost lovers always do

What I wont forget about stat class

June 8th, 2007 by lamariposa

Clean_kitchen
Kung meron akong isang bagay na hindi makakalimutan tungkol sa spring quarter, yun ay yung
statistics class ko. Gusto ko talagang masabi sa sarili ko na kahit kapiranggot ay may naintindindihan naman ako kapag nagbabasa ako ng quantitative studies kaya nag-enroll ako with my other commdev classmates Lauren, Laura, and Ivan.

Kaya naman kahit malapit nang dumugo ang mata ko dahil sa pagta-transform ng variables sa SPSS para sa multiple regression model ko at pitong oras na akong hindi lumalabas ng computer room, go lang ng go para makamit ko ang bragging rights that i survived this course.

Isang gabi, siguro mga kalagitnaan ng quarter, naglalamay na naman kami nina Laura and Lauren sa graduate lab para sa isang SPSS exercise. Malapit na maghatinggabi at hindi pa rin nakukuha ng pinagsama naming lakas ang tamang sagot.

Sa gitna ng kapaguran ko, kasi suko na ako at gusto ko na umuwi, may naalala ako bigla.

"Laura, I think I left the rice burning in the house when we left." Ito yung tono ng boses na parang galing sa ilalim ng lupa kahit na dapat eh shocked na shocked ako.

>>> Laura: "Are you sure?" (tono ng hindi makapaniwala)

>>> Me: "Yeah, I think so. I remembered putting more water and leaving it to cook more before we left."

>>> Lauren: "Lourdes, you are not the type of person who leaves rice burning."

>>> Me: "I know but I still think I left the stove open."

>>> Laura: "Ok I think we have to go home now because there might be fire trucks outside our house."

So kumaripas kaming dalawa, nakabisikleta sa gitna ng dilim pauwi ng bahay. Ito ang kaisa isang beses na iniwan ako ni Laura dahil kinakabahan na siyang baka nasunog na ang luma at sira sira naming bahay.

Sa kalye pa lang, naamoy ko na yung sunog na kanin. Pero praise the Lord dahil walang bumbero dahil sira pala yung fire alarms namin. Imagine kung nag-burn down yung bahay, baka ma deport ako sa Pilipinas ng walang Master’s degree.

Nung umalis ako sa bahay, pula yung kulay ng kawali ng kanin. Sa sobrang sunog niya, itim na siya at natunaw na lahat ng pinta. Tapos lumabas ako sa garden at binaligtad ko yung kawali para matanggal yung dalawang cups na nanigas na kanin. Actually, hanggang ngayon asa likod bahay pa rin yung ebidensya ng pagkakalimot ko at nakita pa siya nung program director namin nung nag host kami ng party.

Anyway, binuksan ni Laura lahat ng bintana, pintuan at electric fan. Tapos naupo na siya at tinawagan si Lauren. Ako naman, sa sobrang shocked ko dahil sa nangyari, naghugas ako ng pinggan for the next 30 minutes with my bike helmet on para mabawasan ang guilty feelings ko.

Mula noon, tuwing nasa grad lab ako at nag SPSS, iniisip ko kung may iniwan ba akong niluluto. At in fairness, nagbunga naman ang paghihirap ko sa kursong ito. After 10 weeks eh nakagawa ako ng logistic regression para sa 10 page research paper ko at natapos ko yung final exam na pinasa ko at 940 am kaninang umaga dahil 10 am yung deadline.

As for our big old house which luckily escaped the fire, we’re leaving it tomorrow for a more decent apartment unit in Carriage Hill where fire alarms work.

5k

May 6th, 2007 by lamariposa

5k_walk
Last Saturday, April 28, nakumbinsi ako ni Laura na sumali dun sa 5k run/walk na in-organize ng college of nutrition kung saan naka-enroll ang aming kaibigang si Eunice. $13 ang fee at namamahalan nga ako kasi wala pa yung stipend ko  kayat bawat dollar mahalaga sa akin. $20 na lang kasi ang nasa checking account ko noon at kailangan pa akong maghintay ng dalawang araw para madagdagan yun.

Pero dahil kinatok ako ng roommate ko at 830 am at kumanta sha ng Rocky theme song para hindi na ako magdalawang isip, nakumbinsi niya na rin ako na mag-shorts na agad at wag nang maligo.

Siguro mga 30-40 yung sumali dun sa event at nakakatuwang pagmasdan yung mga studyanteng handang handa na tumakbo at mukhang praktisado talaga. Sabi nung mga organizers, American Heart Association daw ang beneficiary ng 5k walk kaya pusong tumatakbo ang design ng t-shirt nila. Tapos merong libreng apples, oranges, tubig at iced tea for breakfast.

Pagkasigaw ng "GO" nagsimula ng mabilis lahat ng mga kasama namin. Within ten minutes, nasa dulo na kami ng japanese friend kong si Mari. After one mile, naglakad na lang kami at ang tanging nakikita na lang namin ay yung mga org members na may dala dalang banners sa mga corners na nagsasabing "GOING STRONG!" o kaya "ALMOST THERE!"

To sum it up, second to the last kaming natapos kayat ang lakas lakas ng palakpakan from our friends when we finally reached the finish line. Pinawisan ako dun, in fairness pero proud naman ako dahil first time ko sumali sa ganun at kahit na huli kami, nag enjoy akong makita yung maganda naming campus.

So to celebrate that event, nag picture taking kaming magkakaibigan showing our muscles! That part was the best!

Bikini at Broken Glass

April 23rd, 2007 by lamariposa

Maaga pala magsimula ang bikini season dito. Sobrang excited yata ang ibang girls na maarawan kaya ang solusyon nila ay kumuha ng malaking blanket, ilatag ito sa lawn ng university o kaya sa backyard o balcony nila at magpaaraw in their bikini. Na-shock ako nung una ko itong makita kasi hindi ako sigurado kung normal ba yun. Gusto ko nga silang picturan, kaya lang nahiya naman ako ng konti. Feeling ko nga eh medyo out of place ako kasi naka pantalon at blouse ako habang lahat sila nay suot lang na kapirasong tela at shades.

Bago ako pumunta dito, malaking palaisipan sa akin kung hindi ba sila naiinitan sa araw kasi sa Pilipinas, nag uunahan ang mga tao sa lilim o kahit saan basta malamig. Ngayon, naintindihan ko na sa wakas na kaya sila nakakatagal na walang payong eh dahil hindi talaga mainit yung sikat ng araw. Ako mismo, nakakatulog sa damuhan kahit alas tres ng tanghali kasi hindi masakit sa balat. Ang totoo nga nyan eh kahapon naka-hat ako habang nagbabasa ng reading para sa clase eh medyo nakakatulog ako kasi ang ganda ng panahon. Eh may tatlong studyanteng naglalaro ng soccer at dahil nakapikit ako hindi ko napansin na maglalanding na pala sa kin yung bolang sinipa nila. Kaya ayun nagising ako.

——-

Img_0725
Pag umuwi ako sa Pilipinas mag aaral ako ng folk dance na pwedeng gawin kahit mag isa lang ako para next year may ma ipresent ako sa Spring into Southeast Asia. Ngayong taon kasi, wala akong guts na kumanta sa harap ng 225 na bisita sa ballroom ng student center kaya ang ginawa ko ay pinresent ko yung photo exhibit ng super close friend ko na si roy cruz. Shempre winner kasi maganda yung mga litrato at hindi pa nila nakita yun ever. Konti lang naman kasi dito ang nakapunta sa Pilipinas kaya hindi talaga nila alam kung anong meron sa atin. At ang focus ng Southeast Asian Studies dito ay mostly Malaysia at Indonesia so masaya silang makakita ng ibang tanawin bukod sa bundok at bricks ng Athens.

Nagsuot ako ng costume na binili ko sa Divisoria mula sa northern regions at gandang ganda sila kasi parang may maliit na pom pom na nakatahi dun sa belt. Sabi nga nila, kahawig yung wrap around na skirt dun sa suot ng ibang indigenous groups sa Peru at Indonesia. Siyempre proud na proud naman ako.

————-

Img_0758Ang star performer para dun sa Spring into Southeast Asia ay si Chanrithy Him na author ng award winning memoir na "When Broken Glass Floats: Growing up Under the Khmer Rouge." Nagbigay rin siya ng speech earlier in the afternoon kung paano niya hinarap yung mga masaklap na karanasan niya habang lumalaki siya. Dios mio, iyak ako ng iyak sa kabilang kwarto pagkatapos. Kasi yung nanay niya tinapon sa balon ng buhay pa. Tapos yung tatay niya, sinundo ng mga sundalo kasama yung mga uncles niya tapos pinaghukay ng sariling libingan tapos pinatay lahat. Nakita na lang nila na isang araw may lalaki na suot yung damit ng tatay niya. Yun pala pinamigay yung damit ng mga biktima. Tapos yung lima niyang kapatid namatay dahil walang gamot at walang pagkain. Kahit nga daw yung bituka ng isda pinag aagawan nila at kung makakain sila ng kanin at asin pakiramdam nila nasa langit na sila. Yung mga nasa ospital, pinapain yung mga butil ng kanin para sa mga daga para pwede nilang kainin yung daga kasi gutom na gutom na sila.

Grabe talaga. Hindi ko alam kung gaano kalala yung situasyon hanggang nabasa ko yung libro. Makikita mo talaga kung paano nila pinaglabanan na maging pamilya pa rin kahit na ang hirap hirap na at kahit kaiilan pwede kang mamatay. Kaya nga nung lumapit ako kay Chanrithy, naiiyak ako. Kasi ung great grandfather ko, tinapon din sa bangin ng mga Hapon. Tapos yung mga pamilya at kamag anak ng mga classmate kong Cambodian, namatay rin dahil sa Khmer Rouge.

Ewan ko ba, basta tumutulo yung luha ko kasi sabi niya nung napetition sila sa Oregon ng uncle niya, tuwang tuwa sila pero pag nakikita niya yung mga classmate niya na may nanay at tatay, nalulungkot siya. Upang makabangon, ginamit niya ung kaalaman niya ng English at Khmer para tumulong sa research on post traumatic stress disorder sa mga Cambodians sa America.  Sana mas marami pang libro tulad  ng sa kanya ang malathala para maunawaan ng mga tao na kapag may digmaan, lahat talo. Sana basahin nyo ang librong ito.

—-
Editorial review from amazon.com

"Chea, how come good doesn’t win over evil?" young Chanrithy Him asks
her sister, after the brutal Khmer Rouge have seized power in Cambodia,
but before hunger makes them too weak for philosophy. Chea answers only
with a proverb: When good and evil are thrown together into the river
of life, first the klok or squash (representing good) will sink, and the armbaeg
or broken glass (representing evil) will float. But the broken glass,
Chea assures her, never floats for long: "When good appears to lose, it
is an opportunity for one to be patient, and become like God."

Before this proverb could come true, Chanrithy had to watch her mother,
father, and five of her brothers and sisters die, murdered by the Khmer
Rouge or fatally weakened by malnutrition, disease, and overwork. Now
living in Oregon, where she studies posttraumatic stress disorder among
Cambodian survivors, Chanrithy has written a first-person account of
the killing fields that’s remarkable for both its unflinching honesty
and its refusal to despair. In wrenchingly immediate prose, she
describes atrocities the rest of the world might prefer to ignore: her
sick yet still breathing mother, thrown along with corpses into a well;
a pregnant woman beaten to death with a spade, the baby struggling
inside her; a sister impossibly swollen with edema, her starving body
leaking fluid from the webbing between her toes.

The mind
retreats from horrors like these–and yet what emerges most strongly
from this memoir is the triumph of life. Chanrithy is determined to
honor her pledge to the dying Chea, to study medicine so she can help
others live. When Broken Glass Floats accomplishes the same
goal in a different way. "As a survivor, I want to be worthy of the
suffering that I endured," Chanrithy writes; by giving such eloquent
voice to her dead, she has proven herself more than worthy of her
suffering–and theirs.

–Chloe Byrne

Girl watching

March 27th, 2007 by lamariposa

Masarap pala mag-girl watching pag spring. Lahat halos ng mga undergrads dito naka-shorts o mini skirts at slippers para maipakita sa madla ang kanilang tanned legs. Minsan pag nakikita ko sila, parang ang sarap titigan kasi para bang napakatagal na nilang in-exercise yung mga binti nila para walang umaalog alog na taba sa hita kapag naglalakad sila.

Twenty two degrees na kasi ang temperature dito ngayon kaya pwede nang mag tank top ang mga studyante para maarawan sila at yung iba nagse-set na ng appointment dun sa local tanning salon na ang pangalan ay Outer Glow.  Pero minsan tingin ko, nasosobrahan yung tan nila o  kaya palpak yung pagkagawa kasi mamula-mula na parang chicken in sweet and sour sauce ung itsura o kaya natapunan ng mocha milkshake. Mas in talaga dito ang may kulay ang balat kumpara sa Asia na karaniwan gusto ng mga babae na pumuti. Sabi nga ng classmate kong si Lauren kasi ang puti niya, "I look radioactive. I think I need to go get a tan."

Pero hindi naman kaya ng guts ko na pumasok sa klase ng naka shorty shorts and sando kasi magmumukha akong undergrad. Medyo alangan din kasi sa professor na mukha akong pupunta sa beach o kaya sa gym kaya nag-skirt na lang ako at sleeveless para hindi mainit. Feeling ko nga astig na naka palda tapos naka bike eh para naman kakaiba diba?

Masaya rin mag boy watching dito kasi ang dumadalas na yung nakikita kong tumatakbo without shirts. Buti naman ito yung mga maganda yung katawan kaya ok lang tumitig for five seconds. Baka matapilok na ako pag mas matagal pa dun. Ang kulit din ng itsura nung mga cyclists dito kasi makulay ung sports attire nila tsaka body fit tapos naka shades. Sa malayo, lahat sila gwapo kasi athletic.

Nakaka-inspire tuloy maging fit. Kaya pag hapon, dahil may araw hanggan 730 pm, siguro tatakbo ako o kaya mag belly dancing ako o kaya mag swimming para naman pagdating ng summer eh swimsuit worthy na rin katawan ko. Mwahahah!

bukod sa luha

March 18th, 2007 by lamariposa

Dahil wala kaming TV sa bahay, umaasa ako sa radyo at sa Internet para malaman ang nangyayari sa mundo sa labas ng Athens. Kanina habang nagtatanghalian akong mag-isa sa gitna ng malamig naming dining room, nakarinig na naman ako ng balita mula sa National Public Radio tungkol sa gyera sa Iraq.

Ewan ko ba. Humahagulgol ako mag-isa habang kumakain ng dalawang pirasong toasted bread with strawberry cream cheese, dalawang bacon, stir fried vegetables, at orange juice. Kasi ang kwento sa radyo ay tungkol sa isang maliit na pamayanan sa Delaware (pop. 7,000 - mas maliit pa sa UPLB pop.) at yung interview sa dalawang nanay na namatayan ng anak na sundalo sa Iraq.

Pag nag drive ka daw papunta dun sa bayan nila, sabi ng reporter makikita mo yung na nakaukit sa granite ang mga pangalan ng mga namatay sa WW1, Korean war, Vietnam war, WW2, Beirut at ngayon pati sa Afghanistan at Iraq. Little towns like this bear the brunt of war at ang masakit dun, kahit na ilan pa ang mamatay sa kanila (15 na sa 644 na enlisted ang hindi na babalik), sinusuportahan pa rin ng pamayanan ang gobyerno para ipagpatuloy ang pakikipaglaban.

Paano ka namang hindi iiyak pag narinig mo ang mga tinig ng mga nanay? Yung bahay nila punong-puno ng litrato at dekorasyon para sa mga anak na hindi na uuwi. Magkukuwento sila sa reporter kung gaano kakulit yung mga anak nila dati at paano sila napadpad sa army o sa marines. They would have been good husbands and good fathers but now that promise is gone. Kapag naman pinakinggan mo ang latest sa Iraq, paano kang hindi magagalit kapag binibilang ang mga namamatay na mga mamamayan dahil nagkaron ng barilan o dahil may bombang sumabog habang sila’y nagdadasal, namalengke, naghihintay ng bus, o nagmamadaling makauwi? Isang malaking injustice sa tingin ko lalo na dahil alam kong sa bawat isang kwentong naririnig ko sa radyo, daan-daan ang hindi makakarating sa himpapawid kasi hindi naman sila maiinterview at walang makakaalam kung gaano sila naghihirap dahil sa digmaan.

Alam kong hindi sapat ang luha para tugunan ang mga problemang gaya nito. Ano kaya ang pwede kong gawin?

the joy of spring

March 15th, 2007 by lamariposa

Memorable ang ending ng winter quarter ko kasi sumalpok ako dun sa trunk ng puting pick-up ng kapitbahay namin dahil hindi ko napindot yung preno ng bike ko. Galing ako sa exam ko sa Spanish at nagmumuni-muni ako parang si Meg Ryan sa City of Angels around 8pm. Tuwang tuwa ako na tapos na malalamig na araw na kulang ako sa tulog.

Pauwi sa bahay namin, masarap mag bike kasi pababa kaya pwedeng bumilis ng 20mph yung bisikleta sabi ni Laura. Hindi ko yata naipulupot ng maayos yung lock ng bike sa kaliwang handle bar at dinagdagan ko pa ng shoulder bag ko tuloy hindi ko mapindot ng mabuti yung preno.

"OH MY! Here we go!" Mahina rin yung preno sa kanan, patay, pano ba ko hihinto?

Ala! Lumampas na ako sa bahay namin! So sinubukan kong ibaba yung kaliwang paa ko para bumagal ung bisikleta pero dahil rampa, ang hirap. Nung mejo umepekto ng konti sabi ko, what if banggain ko itong pick up na mukhang walang alarm para makahinto lang?

So boom! Buti at hindi naman ako tumalsik sa impact. i just got one scratch on my right leg pero hindi naman ako nahulog kalye. Looking back, it was not the smartest idea pero wala na akong maisip nun eh. Buti na lang walang nakakita sa kin at walang nakasunod na mga kotse. Baka isipin nila baliw ako. Pero siyempre bruised ang pride ko ng konti. Mabuti na rin yung nangyari kasi reality check kasi medyo naing complacent ako sa safety rules. Kailangan ko palang  mag-review dun.

Parang dun sa exam ko sa Spanish. Akala ko eh naka aral na ako ng sapat pero ayun, nung makita ko yung direct at indirect object part eh nalito na ako. Siguro dapat sumagot pa ako ng mga exercises para alam ko kung LA, LE, LO, o LOS ang bibilugan ko. Napag isip isip ko na pagdating sa language courses, hindi sapat ung natural talent at nice accent. Kailangan yung thoroughness ng pag double check lalo na sa grammar. Puro corrections tuloy yung paper ko.

Ang nakakatuwa jan, na-enjoy ko yung klase with these all-American undergrads. Ako lang kasi yung foreigner sa klase. Nakita ko na yung mga stereotype ko sa mga studyante, mali pala. Yung classmate ko na tingin ko tamad at hindi man lang magsuklay ay napakasipag pala mag notes. Nung naging mag partner kami, naka index cards lahat ng mga vocabulary words niya. Yung katabi niya na blond hair blue eyed na inisip ko "maarte to sigurado kasi maganda" turned out to be always attentive sa klase and was not bitchy at all. At yung isa na insip kong magiging wallflower lang buong quarter ay siyang numero unong comico. Dinidibdib niya yung tamang pronunciation kahit na dinig yung American accent niya. Mangingibabaw yung boses niya pag pumasok ung teacher, "HOLA! (pero ang bigkas niya ay OW-LAH!)"

So I guess it was a quarter of breaking traditional conceptions of myself and of others. Proud ako kasi nagawa kong panindigan yung ballet classes ko kahit hilong-hilo na ako dun sa attempts ko na mag twirl across the dance floor ng walang dance shoes. I’ve realized ballerinas aren’t made in 10 meetings but more than that, I learned I can have fun trying to dance with grace.

With those lessons in mind and a scratch in my right leg, here I am, welcoming the promise of spring with joy!

birthday resolution

February 12th, 2007 by lamariposa

Salamat sa lahat ng bumati sa aking 24th birthday nung Linggo. Napangiti ako nung natanggap ko ang mga tawag at sulat niyo. Meron akong tatlong mahalagang resolution sa aking kaarawan.

1. Magpapagupit na ako ngayong linggo.
2. Babawasan ko na ang addiction ko sa full cream milk.
at ang pinkaimportante
3. Iinom na ako ng tubig mula sa gripo para hindi ko kailangang lumaklak ng full cream milk sa umaga, tanghali at gabi.

Lingid sa kaalaman ng marami ay wala akong tiwala sa tubig sa gripo dito dahil nasanay ako sa bottled/filtered/purified water sa Pilipinas. Hindi ko ma-imagine na patutuluin ko na lang basta at iinumin yung tubig sa baso. Sobrang lamig na kasi nun kaya hindi na kailangan ilagay sa ref.

Alam ko namang malinis at hindi nakakamatay pero hindi lang talaga ako sanay. Kaya naman ang pinatulan ko ay yung Vitamin D milk na $3.50 ang isang gallon at mauubos ko yun within one week, minsan kahit mga limang araw lang. Ang dami tuloy kinita na pera sa kin ng Kroger’s at Seaman’s grocery dahil dami ng nabinili ko sa kanila mula August.

Iinom lang ako ng tubig pag naubos na yung milk at juice supply ko, o kaya sa drinking fountain o kaya bottled water, o kaya sa restaurant. Wala namang masama sa milk, in fact, magkakaroon ako ng strong bones na mahalaga sakaling mahulog ako sa kalsada habang nag nagba-bike at malakas ang buhos ng snow. Pero ang pangit dun eh mas konti yung iniinom kong tubig. Tsaka isa pa, ang daming saturated fats na napupunta sa katawan ko.

Hmmm….yun siguro ang dahilan kaya hindi ako pumapayat kahit nag eexercise ako sa treadmill, arc trainer, at cross trainer sa Ping Center...at tuwing nakakakita o nakakaisip ng baka (cow) yung roommate kong Hapon eh naiisip niya ako.

Nagbago ako finally ng isip nung sumabog yung pipes ng kitchen sink namin dahil sa sobrang lamig ng snow kasi matagal di nagamit tapos tinapatan ng heater ni Laura. Bago yun eh ayaw lang umandar nung hot water kaya kinailangan kong maghugas ng plato sa sobrang lamig na tubig to the point na ang sakit na ng daliri ko at naninigas na. Pagkatapos noon, nakumbinsi akong ok na rin inumin ang tubig sa gripo, tutal naman, gusto ko ng cold water.

Kaya nung birthday ko, I told myself I’l wean myself from milk and drink something crystal clear.

CHEERS!

Winter anecdotes

February 3rd, 2007 by lamariposa

"Prepare your space for sub-zero temperatures this weekend."

Ito ang babalang dumating email ng lahat ng studyante ng Ohio U ngayong umaga. Ayon sa national weather forecast, aabot ng -18.33 degrees celsius ang temperature sa Lunes ng gabi kayat dapat maghanda daw kami. Hindi pwedeng naka-off ang mga heater kahit gusto naming magtipid ng kuryente at gas kasi mag-freeze o mag-burst ang mga water pipes ng bahay namin.

Sa sobrang ginaw, kahit na nakasuot na ako ng tatlong patong ng makapal na sweater habang bumibili ng aged cheddar cheese sa Farmer’s Market ay tumataas pa rin ang balahibo ko. Kasi naman, itong babaeng nagbebenta ng masarap na cheese e ang tagal mag-compute ng sukli. $10 minus $3.62 eh limang minuto niya iniisip ang sagot.

Girl: "….so I have 70 cents, 80 cents, 90 cents…."

Ako: (sa isip ko) "My golly naman, 10-3.62 lang hindi pa alam ang sagot!"

Girl: "…wait, this can’t be right….."

Ako: (sa isip ko) "Gamitin mo kaya yung calculator sa harap mo."

Siguro na brain freeze na rin siya sa ginaw kasi hindi na siya makapag-math. Well, ayoko naman siyang kulitin kasi hindi ko rin alam yung sagot dahil tinatamad ako mag subract mentally. Mweheheh! Tsaka naninigas na ako kakaintay. Sa wakas eh tinulungan siya nung kasama niyang nagbebenta kayat nakuha ko na ung keso ko.  :)
———-

Kahapon, malakas ang buhos ng snow dito pero nag bike pa rin kami papuntang school kahit hindi pa na-plough yung kalye. Hindi pala kami pwedeng maki-angkas dun sa school bus ng dormitory sa kabilang kalye dahil kilala daw nung driver yung mga pasahero at pinapatalsik niya yung mga nagpapanggap. Nagdoble ingat na lang kami at sinigurado naming dun sa naiwang bakas ng ibang dumaang kotse kami nagba-bike. Nadaanan na kasi ng mga gulong nila yung makitid na bahagi ng kalsada kaya walang snow at di kami madudulas.

Sabi ni Laura sa akin, "Look Duday, we’re the only two insace people biking in this weather!"

—————

Friday ng gabi, nagkasudo kami nina Laura at Sumi na panoorin sa Athena Grand Cinema ang "Last King of Scotland." Ito ang sinehan na nasa tabi ng pinupuntahan naming grocery (Kroger’s) pag Sabado ng umaga at ng local shopping mall na kalahati lang ang bukas na tindahan sa loob kahit anong araw ka  pumunta.

Wala akong ideya kung tungkol saan ang pelikula. Akala ko, para siyang Braveheart or something about heroism. Dios mio! Tungkol pala yun sa isang paranoid na diktador sa Uganda noong 70s na nagpapatay ng more than 300,000 civilians!!! So much for relaxation on Friday!

Ang pangalan ng sadistang ito ay Idi Amin Dada at naniniwala akong isa siyang baliw. Grabe! Dun nga sa isang eksena sa pelikula eh tinakpan na namin ang mga mata namin dahil sa sobrang brutal niya. Hanapin nyo sa Google ang pangalan ni Amin at makikita nyo ang listahan ng ginawa niyang karahasan. Tawagin ba naman ang sarili niyang "Lord of All the Beasts of the Earth and Fishes of the Sea!

Kaya paglabas namin sa sinehan at midnight, nagkasundo kaming tatlo that we needed a drink kung hindi babangungutin kami sa lahat ng nakita namin.

Laura: "Let’s talk about something else! We could tell jokes!" At nag joke nga siya. Matapos nun naalala niya bigla, "You know what, my boyfriend and I watched Hotel Rwanda when we went out on a date before."

Me: "You what?! Why did you watch a genocide movie on a date night?"

Laura: "I know! We were both crying afterwards and we did just said good night afterwards and slept.We were so disturbed by the movie!"

Naman! Kung ako din yun eh mapapatanga na lang ako buong gabi kakaisip kung ano nang nangyayari sa mundo. Not romantic at all! So ayun, pag uwi namin ay isa isa kaming nag-curl up sa kama at nag-wish na sana hindi namin mapanaginipan ang kalagiman ni Amin at mapawi ng makapal na kumot at medyas ang lamig ng winter.