Archive for January, 2008

Aveces en abril (Sometimes in April)

Thursday, January 17th, 2008

"In the end we will remember, not the words of our enemies but the silence of our friends."

- Martin Luther King Jr.

Kagabi pinanood namin ni Laura ang isang pelikula tungkol sa Rwandan genocide. "Sometimes in April" ang title at ang classmate namin na si Valentin, isang graduate assistant na tulad ko at mula rin sa Communication and Development Studies program, ang nagbigay ng introduction sa pelikula.

Jolly person si Valentin. Unassuming at humble siya at laging nakangiti. Pag nakita mo siya, babatiin ka niya ng isang energetic na "how are you?" sabay abot ng kamay niya para sa handshake. Para lang siyang isang tipikal na 1st year Master’s student sa OU na nag-aadjust sa kultura sa America.

Dahil pare-pareho kaming studyante, minsan nakakalimutan ko bakit nga pala special si Valentin. Galing nga pala siya sa Rwanda kung saan naganap ang isa sa pinaka-kagimbal gimbal na massacre ngayong 20th century.  Eleven years old lang ako nung  April ng 1994 at naghahanda ako maging grade 6 student sa St. Theesa’s College. Wala naman  talaga akong masyadong alam  sa mga pangyayari kaya gusto  kong umatend ng film showing.

Hindi ko ini-expect na iiyak ako ng ganun pagkapanood ko ng pelikula. Iyakin naman talaga ako sa mga madramang bagay pero dito sa "Sometimes in April", iba yung pakiramdam ko. Sa kalagitnaan, terrorized na terrorized ako dun sa eksena kung saan in-evacuate ng mga UN peacekeeping forces yung mga Caucasian expatriates para hindi sila maipit sa gulo. Tapos pagdaan ng van, naglabasan mula sa likod ng mga puno ang isang malaking grupo ng mga kalalakihan, mga Hutu, na may dalang machete at clubs.

Wala na kasing magliligtas dun sa mga naiwan na Tutsi na tinatawag nilang "mga ipis" kaya pwede na silang patayin. Iniwan na sila ng UN at wala namang pakialam ang buong mundo sa nangyayari. Iniisip ko talaga, anong ginagawa ko nung araw na yun? Naglalaro ba ako? Nag-aaral ba ako? Meron ba akong dapat na ginawa? Iniisip ko na pwedeng si Valentin yung isa sa mga namatay sa genocide. Pwedeng yung asawa niya o kapatid niya.

Tumutulo yung luha ko kakatanong sa sarili ko ng paulit ulit "I don’t understand! How could this happen?" Nakakadurog ng puso talaga nung binaril ng mga sundalo yung 120 na schoolgirls sa classroom kasi walang gustong umamin ng ethnicity nila. Isang daang araw, halos isang milyon ang pinatay.

At pagkatapos ng movie, niyakap ko si Valentin at umiyak ako sa kanya kasi hindi ko talaga maintindihan bakit nangyari yun, bakit masayahin pa rin siya sa kabila ng lahat, kahit na pinatay ang mommy niya noon. Sabi niya, "would you like to go and visit Rwanda and see all these places for yourself?" I was not sure what to say but I eventually said yes. And then Valentin, understanding how broken my heart was comforted me all the way to our house and said "We have to be strong!" in his jolly old voice.

Yes he has seen a lot of wickedness and yes it has brought him pain but in the end he told me that we have to move forward. He will speak again tomorrow about living in conflict areas with Haroun, our classmate from Afghanistan.

Sometimes in April (a movie by Raoul Peck)