And then they came for me
I Saw a Mountain
We are the shoes, we are the last witnesses.
We are shoes from grandchildren and grandfathers,
From Prague, Paris and Amsterdam,
And because we are only made of fabric and leather
And not of blood and flesh, each one of us avoided the hellfire.
———–
Nung weekend, pumunta ako ng Holocaust Museum dito sa DC kasi sabi ng kaibigan kong si Nicole, maganda daw tsaka nakakaiyak. Akala ko mga 2 oras lang tapos na ako pero dahil napaka comprehensive ng collection nila, 4 na oras bago ako nakalabas. Kakaiba itong museum na to kasi meron silang kasama sa exhibition na sapatos nung mga Holocaust victims. Yun ang pinaka naaalala ko - bundok bundok na lumang sapatos na pinahubad sa mga tao sa labas ng gas chambers. Ang sabi sa kanila, tandaan daw nila kung saan nila iniwan yung gamit nila kasi mag-shower lang sila sa loob. Pero kunwari lang yun.
Nakakaantig kasi isipin mo, yung sapatos nakaligtas pero yung mga may-ari nun hindi. Yung quoate sa taas ng blog ko, yun ang nakapost sa tabi ng display. Itong mga sapatos na ito ang huling saksi sa mga huling segundo ng buhay ng mga milyong milyong biktima na hindi na lumabas sa mga concentration camp.
Tapos meron din dun sa exhibition nung cart kung san pinagsiksikan yung mga Jews sa loob. Nakakatakot pumasok sa loob. Isipin mo para kayong mga bakang pinagkasya sa isang madilim at masikip na box na wala halos butas. Grabe.
Pagdating ko sa dulo, naiyak ako nung sinabi ng isang survivor, "Sana isipin nyo na yung mga nakikita nyo sa museum ay hindi lang mga simpleng books. Yan ang mga prayerbooks na ginamit ng pamilya namin para magdasal noong araw at ngayon, hindi na namin maiuuwi yan kahit gustong gusto namin. Hindi ko lang talaga kayang kalimutan lahat ng nangyari. Hindi ko kayang magpatawad. Sana, wag nang maranasan ng mga susunod pang henerasyon ang nangyari sa amin. At sana pag may nakita kayong pangyayari na walang katarungan, wag kayong magsawalang kibo."
at ito yung nakasulat sa poster nila sa isang exhibition room:
- First they came for the Socialists, and I didn’t speak up,
- because I wasn’t a Socialist.
- Then they came for the Trade Unionists, and I didn’t speak up,
- because I wasn’t a Trade Unionist.
- Then they came for the Jews, and I didn’t speak up,
- because I wasn’t a Jew.
- Then they came for me, and there was no one left
- to speak up for me.