
Kung meron akong isang bagay na hindi makakalimutan tungkol sa spring quarter, yun ay yung statistics class ko. Gusto ko talagang masabi sa sarili ko na kahit kapiranggot ay may naintindindihan naman ako kapag nagbabasa ako ng quantitative studies kaya nag-enroll ako with my other commdev classmates Lauren, Laura, and Ivan.
Kaya naman kahit malapit nang dumugo ang mata ko dahil sa pagta-transform ng variables sa SPSS para sa multiple regression model ko at pitong oras na akong hindi lumalabas ng computer room, go lang ng go para makamit ko ang bragging rights that i survived this course.
Isang gabi, siguro mga kalagitnaan ng quarter, naglalamay na naman kami nina Laura and Lauren sa graduate lab para sa isang SPSS exercise. Malapit na maghatinggabi at hindi pa rin nakukuha ng pinagsama naming lakas ang tamang sagot.
Sa gitna ng kapaguran ko, kasi suko na ako at gusto ko na umuwi, may naalala ako bigla.
"Laura, I think I left the rice burning in the house when we left." Ito yung tono ng boses na parang galing sa ilalim ng lupa kahit na dapat eh shocked na shocked ako.
>>> Laura: "Are you sure?" (tono ng hindi makapaniwala)
>>> Me: "Yeah, I think so. I remembered putting more water and leaving it to cook more before we left."
>>> Lauren: "Lourdes, you are not the type of person who leaves rice burning."
>>> Me: "I know but I still think I left the stove open."
>>> Laura: "Ok I think we have to go home now because there might be fire trucks outside our house."
So kumaripas kaming dalawa, nakabisikleta sa gitna ng dilim pauwi ng bahay. Ito ang kaisa isang beses na iniwan ako ni Laura dahil kinakabahan na siyang baka nasunog na ang luma at sira sira naming bahay.
Sa kalye pa lang, naamoy ko na yung sunog na kanin. Pero praise the Lord dahil walang bumbero dahil sira pala yung fire alarms namin. Imagine kung nag-burn down yung bahay, baka ma deport ako sa Pilipinas ng walang Master’s degree.
Nung umalis ako sa bahay, pula yung kulay ng kawali ng kanin. Sa sobrang sunog niya, itim na siya at natunaw na lahat ng pinta. Tapos lumabas ako sa garden at binaligtad ko yung kawali para matanggal yung dalawang cups na nanigas na kanin. Actually, hanggang ngayon asa likod bahay pa rin yung ebidensya ng pagkakalimot ko at nakita pa siya nung program director namin nung nag host kami ng party.
Anyway, binuksan ni Laura lahat ng bintana, pintuan at electric fan. Tapos naupo na siya at tinawagan si Lauren. Ako naman, sa sobrang shocked ko dahil sa nangyari, naghugas ako ng pinggan for the next 30 minutes with my bike helmet on para mabawasan ang guilty feelings ko.
Mula noon, tuwing nasa grad lab ako at nag SPSS, iniisip ko kung may iniwan ba akong niluluto. At in fairness, nagbunga naman ang paghihirap ko sa kursong ito. After 10 weeks eh nakagawa ako ng logistic regression para sa 10 page research paper ko at natapos ko yung final exam na pinasa ko at 940 am kaninang umaga dahil 10 am yung deadline.
As for our big old house which luckily escaped the fire, we’re leaving it tomorrow for a more decent apartment unit in Carriage Hill where fire alarms work.