Archive for April, 2007

Bikini at Broken Glass

Monday, April 23rd, 2007

Maaga pala magsimula ang bikini season dito. Sobrang excited yata ang ibang girls na maarawan kaya ang solusyon nila ay kumuha ng malaking blanket, ilatag ito sa lawn ng university o kaya sa backyard o balcony nila at magpaaraw in their bikini. Na-shock ako nung una ko itong makita kasi hindi ako sigurado kung normal ba yun. Gusto ko nga silang picturan, kaya lang nahiya naman ako ng konti. Feeling ko nga eh medyo out of place ako kasi naka pantalon at blouse ako habang lahat sila nay suot lang na kapirasong tela at shades.

Bago ako pumunta dito, malaking palaisipan sa akin kung hindi ba sila naiinitan sa araw kasi sa Pilipinas, nag uunahan ang mga tao sa lilim o kahit saan basta malamig. Ngayon, naintindihan ko na sa wakas na kaya sila nakakatagal na walang payong eh dahil hindi talaga mainit yung sikat ng araw. Ako mismo, nakakatulog sa damuhan kahit alas tres ng tanghali kasi hindi masakit sa balat. Ang totoo nga nyan eh kahapon naka-hat ako habang nagbabasa ng reading para sa clase eh medyo nakakatulog ako kasi ang ganda ng panahon. Eh may tatlong studyanteng naglalaro ng soccer at dahil nakapikit ako hindi ko napansin na maglalanding na pala sa kin yung bolang sinipa nila. Kaya ayun nagising ako.

——-

Img_0725
Pag umuwi ako sa Pilipinas mag aaral ako ng folk dance na pwedeng gawin kahit mag isa lang ako para next year may ma ipresent ako sa Spring into Southeast Asia. Ngayong taon kasi, wala akong guts na kumanta sa harap ng 225 na bisita sa ballroom ng student center kaya ang ginawa ko ay pinresent ko yung photo exhibit ng super close friend ko na si roy cruz. Shempre winner kasi maganda yung mga litrato at hindi pa nila nakita yun ever. Konti lang naman kasi dito ang nakapunta sa Pilipinas kaya hindi talaga nila alam kung anong meron sa atin. At ang focus ng Southeast Asian Studies dito ay mostly Malaysia at Indonesia so masaya silang makakita ng ibang tanawin bukod sa bundok at bricks ng Athens.

Nagsuot ako ng costume na binili ko sa Divisoria mula sa northern regions at gandang ganda sila kasi parang may maliit na pom pom na nakatahi dun sa belt. Sabi nga nila, kahawig yung wrap around na skirt dun sa suot ng ibang indigenous groups sa Peru at Indonesia. Siyempre proud na proud naman ako.

————-

Img_0758Ang star performer para dun sa Spring into Southeast Asia ay si Chanrithy Him na author ng award winning memoir na "When Broken Glass Floats: Growing up Under the Khmer Rouge." Nagbigay rin siya ng speech earlier in the afternoon kung paano niya hinarap yung mga masaklap na karanasan niya habang lumalaki siya. Dios mio, iyak ako ng iyak sa kabilang kwarto pagkatapos. Kasi yung nanay niya tinapon sa balon ng buhay pa. Tapos yung tatay niya, sinundo ng mga sundalo kasama yung mga uncles niya tapos pinaghukay ng sariling libingan tapos pinatay lahat. Nakita na lang nila na isang araw may lalaki na suot yung damit ng tatay niya. Yun pala pinamigay yung damit ng mga biktima. Tapos yung lima niyang kapatid namatay dahil walang gamot at walang pagkain. Kahit nga daw yung bituka ng isda pinag aagawan nila at kung makakain sila ng kanin at asin pakiramdam nila nasa langit na sila. Yung mga nasa ospital, pinapain yung mga butil ng kanin para sa mga daga para pwede nilang kainin yung daga kasi gutom na gutom na sila.

Grabe talaga. Hindi ko alam kung gaano kalala yung situasyon hanggang nabasa ko yung libro. Makikita mo talaga kung paano nila pinaglabanan na maging pamilya pa rin kahit na ang hirap hirap na at kahit kaiilan pwede kang mamatay. Kaya nga nung lumapit ako kay Chanrithy, naiiyak ako. Kasi ung great grandfather ko, tinapon din sa bangin ng mga Hapon. Tapos yung mga pamilya at kamag anak ng mga classmate kong Cambodian, namatay rin dahil sa Khmer Rouge.

Ewan ko ba, basta tumutulo yung luha ko kasi sabi niya nung napetition sila sa Oregon ng uncle niya, tuwang tuwa sila pero pag nakikita niya yung mga classmate niya na may nanay at tatay, nalulungkot siya. Upang makabangon, ginamit niya ung kaalaman niya ng English at Khmer para tumulong sa research on post traumatic stress disorder sa mga Cambodians sa America.  Sana mas marami pang libro tulad  ng sa kanya ang malathala para maunawaan ng mga tao na kapag may digmaan, lahat talo. Sana basahin nyo ang librong ito.

—-
Editorial review from amazon.com

"Chea, how come good doesn’t win over evil?" young Chanrithy Him asks
her sister, after the brutal Khmer Rouge have seized power in Cambodia,
but before hunger makes them too weak for philosophy. Chea answers only
with a proverb: When good and evil are thrown together into the river
of life, first the klok or squash (representing good) will sink, and the armbaeg
or broken glass (representing evil) will float. But the broken glass,
Chea assures her, never floats for long: "When good appears to lose, it
is an opportunity for one to be patient, and become like God."

Before this proverb could come true, Chanrithy had to watch her mother,
father, and five of her brothers and sisters die, murdered by the Khmer
Rouge or fatally weakened by malnutrition, disease, and overwork. Now
living in Oregon, where she studies posttraumatic stress disorder among
Cambodian survivors, Chanrithy has written a first-person account of
the killing fields that’s remarkable for both its unflinching honesty
and its refusal to despair. In wrenchingly immediate prose, she
describes atrocities the rest of the world might prefer to ignore: her
sick yet still breathing mother, thrown along with corpses into a well;
a pregnant woman beaten to death with a spade, the baby struggling
inside her; a sister impossibly swollen with edema, her starving body
leaking fluid from the webbing between her toes.

The mind
retreats from horrors like these–and yet what emerges most strongly
from this memoir is the triumph of life. Chanrithy is determined to
honor her pledge to the dying Chea, to study medicine so she can help
others live. When Broken Glass Floats accomplishes the same
goal in a different way. "As a survivor, I want to be worthy of the
suffering that I endured," Chanrithy writes; by giving such eloquent
voice to her dead, she has proven herself more than worthy of her
suffering–and theirs.

–Chloe Byrne