Archive for March, 2007

Girl watching

Tuesday, March 27th, 2007

Masarap pala mag-girl watching pag spring. Lahat halos ng mga undergrads dito naka-shorts o mini skirts at slippers para maipakita sa madla ang kanilang tanned legs. Minsan pag nakikita ko sila, parang ang sarap titigan kasi para bang napakatagal na nilang in-exercise yung mga binti nila para walang umaalog alog na taba sa hita kapag naglalakad sila.

Twenty two degrees na kasi ang temperature dito ngayon kaya pwede nang mag tank top ang mga studyante para maarawan sila at yung iba nagse-set na ng appointment dun sa local tanning salon na ang pangalan ay Outer Glow.  Pero minsan tingin ko, nasosobrahan yung tan nila o  kaya palpak yung pagkagawa kasi mamula-mula na parang chicken in sweet and sour sauce ung itsura o kaya natapunan ng mocha milkshake. Mas in talaga dito ang may kulay ang balat kumpara sa Asia na karaniwan gusto ng mga babae na pumuti. Sabi nga ng classmate kong si Lauren kasi ang puti niya, "I look radioactive. I think I need to go get a tan."

Pero hindi naman kaya ng guts ko na pumasok sa klase ng naka shorty shorts and sando kasi magmumukha akong undergrad. Medyo alangan din kasi sa professor na mukha akong pupunta sa beach o kaya sa gym kaya nag-skirt na lang ako at sleeveless para hindi mainit. Feeling ko nga astig na naka palda tapos naka bike eh para naman kakaiba diba?

Masaya rin mag boy watching dito kasi ang dumadalas na yung nakikita kong tumatakbo without shirts. Buti naman ito yung mga maganda yung katawan kaya ok lang tumitig for five seconds. Baka matapilok na ako pag mas matagal pa dun. Ang kulit din ng itsura nung mga cyclists dito kasi makulay ung sports attire nila tsaka body fit tapos naka shades. Sa malayo, lahat sila gwapo kasi athletic.

Nakaka-inspire tuloy maging fit. Kaya pag hapon, dahil may araw hanggan 730 pm, siguro tatakbo ako o kaya mag belly dancing ako o kaya mag swimming para naman pagdating ng summer eh swimsuit worthy na rin katawan ko. Mwahahah!

bukod sa luha

Sunday, March 18th, 2007

Dahil wala kaming TV sa bahay, umaasa ako sa radyo at sa Internet para malaman ang nangyayari sa mundo sa labas ng Athens. Kanina habang nagtatanghalian akong mag-isa sa gitna ng malamig naming dining room, nakarinig na naman ako ng balita mula sa National Public Radio tungkol sa gyera sa Iraq.

Ewan ko ba. Humahagulgol ako mag-isa habang kumakain ng dalawang pirasong toasted bread with strawberry cream cheese, dalawang bacon, stir fried vegetables, at orange juice. Kasi ang kwento sa radyo ay tungkol sa isang maliit na pamayanan sa Delaware (pop. 7,000 - mas maliit pa sa UPLB pop.) at yung interview sa dalawang nanay na namatayan ng anak na sundalo sa Iraq.

Pag nag drive ka daw papunta dun sa bayan nila, sabi ng reporter makikita mo yung na nakaukit sa granite ang mga pangalan ng mga namatay sa WW1, Korean war, Vietnam war, WW2, Beirut at ngayon pati sa Afghanistan at Iraq. Little towns like this bear the brunt of war at ang masakit dun, kahit na ilan pa ang mamatay sa kanila (15 na sa 644 na enlisted ang hindi na babalik), sinusuportahan pa rin ng pamayanan ang gobyerno para ipagpatuloy ang pakikipaglaban.

Paano ka namang hindi iiyak pag narinig mo ang mga tinig ng mga nanay? Yung bahay nila punong-puno ng litrato at dekorasyon para sa mga anak na hindi na uuwi. Magkukuwento sila sa reporter kung gaano kakulit yung mga anak nila dati at paano sila napadpad sa army o sa marines. They would have been good husbands and good fathers but now that promise is gone. Kapag naman pinakinggan mo ang latest sa Iraq, paano kang hindi magagalit kapag binibilang ang mga namamatay na mga mamamayan dahil nagkaron ng barilan o dahil may bombang sumabog habang sila’y nagdadasal, namalengke, naghihintay ng bus, o nagmamadaling makauwi? Isang malaking injustice sa tingin ko lalo na dahil alam kong sa bawat isang kwentong naririnig ko sa radyo, daan-daan ang hindi makakarating sa himpapawid kasi hindi naman sila maiinterview at walang makakaalam kung gaano sila naghihirap dahil sa digmaan.

Alam kong hindi sapat ang luha para tugunan ang mga problemang gaya nito. Ano kaya ang pwede kong gawin?

the joy of spring

Thursday, March 15th, 2007

Memorable ang ending ng winter quarter ko kasi sumalpok ako dun sa trunk ng puting pick-up ng kapitbahay namin dahil hindi ko napindot yung preno ng bike ko. Galing ako sa exam ko sa Spanish at nagmumuni-muni ako parang si Meg Ryan sa City of Angels around 8pm. Tuwang tuwa ako na tapos na malalamig na araw na kulang ako sa tulog.

Pauwi sa bahay namin, masarap mag bike kasi pababa kaya pwedeng bumilis ng 20mph yung bisikleta sabi ni Laura. Hindi ko yata naipulupot ng maayos yung lock ng bike sa kaliwang handle bar at dinagdagan ko pa ng shoulder bag ko tuloy hindi ko mapindot ng mabuti yung preno.

"OH MY! Here we go!" Mahina rin yung preno sa kanan, patay, pano ba ko hihinto?

Ala! Lumampas na ako sa bahay namin! So sinubukan kong ibaba yung kaliwang paa ko para bumagal ung bisikleta pero dahil rampa, ang hirap. Nung mejo umepekto ng konti sabi ko, what if banggain ko itong pick up na mukhang walang alarm para makahinto lang?

So boom! Buti at hindi naman ako tumalsik sa impact. i just got one scratch on my right leg pero hindi naman ako nahulog kalye. Looking back, it was not the smartest idea pero wala na akong maisip nun eh. Buti na lang walang nakakita sa kin at walang nakasunod na mga kotse. Baka isipin nila baliw ako. Pero siyempre bruised ang pride ko ng konti. Mabuti na rin yung nangyari kasi reality check kasi medyo naing complacent ako sa safety rules. Kailangan ko palang  mag-review dun.

Parang dun sa exam ko sa Spanish. Akala ko eh naka aral na ako ng sapat pero ayun, nung makita ko yung direct at indirect object part eh nalito na ako. Siguro dapat sumagot pa ako ng mga exercises para alam ko kung LA, LE, LO, o LOS ang bibilugan ko. Napag isip isip ko na pagdating sa language courses, hindi sapat ung natural talent at nice accent. Kailangan yung thoroughness ng pag double check lalo na sa grammar. Puro corrections tuloy yung paper ko.

Ang nakakatuwa jan, na-enjoy ko yung klase with these all-American undergrads. Ako lang kasi yung foreigner sa klase. Nakita ko na yung mga stereotype ko sa mga studyante, mali pala. Yung classmate ko na tingin ko tamad at hindi man lang magsuklay ay napakasipag pala mag notes. Nung naging mag partner kami, naka index cards lahat ng mga vocabulary words niya. Yung katabi niya na blond hair blue eyed na inisip ko "maarte to sigurado kasi maganda" turned out to be always attentive sa klase and was not bitchy at all. At yung isa na insip kong magiging wallflower lang buong quarter ay siyang numero unong comico. Dinidibdib niya yung tamang pronunciation kahit na dinig yung American accent niya. Mangingibabaw yung boses niya pag pumasok ung teacher, "HOLA! (pero ang bigkas niya ay OW-LAH!)"

So I guess it was a quarter of breaking traditional conceptions of myself and of others. Proud ako kasi nagawa kong panindigan yung ballet classes ko kahit hilong-hilo na ako dun sa attempts ko na mag twirl across the dance floor ng walang dance shoes. I’ve realized ballerinas aren’t made in 10 meetings but more than that, I learned I can have fun trying to dance with grace.

With those lessons in mind and a scratch in my right leg, here I am, welcoming the promise of spring with joy!