Winter anecdotes
"Prepare your space for sub-zero temperatures this weekend."
Ito ang babalang dumating email ng lahat ng studyante ng Ohio U ngayong umaga. Ayon sa national weather forecast, aabot ng -18.33 degrees celsius ang temperature sa Lunes ng gabi kayat dapat maghanda daw kami. Hindi pwedeng naka-off ang mga heater kahit gusto naming magtipid ng kuryente at gas kasi mag-freeze o mag-burst ang mga water pipes ng bahay namin.
Sa sobrang ginaw, kahit na nakasuot na ako ng tatlong patong ng makapal na sweater habang bumibili ng aged cheddar cheese sa Farmer’s Market ay tumataas pa rin ang balahibo ko. Kasi naman, itong babaeng nagbebenta ng masarap na cheese e ang tagal mag-compute ng sukli. $10 minus $3.62 eh limang minuto niya iniisip ang sagot.
Girl: "….so I have 70 cents, 80 cents, 90 cents…."
Ako: (sa isip ko) "My golly naman, 10-3.62 lang hindi pa alam ang sagot!"
Girl: "…wait, this can’t be right….."
Ako: (sa isip ko) "Gamitin mo kaya yung calculator sa harap mo."
Siguro na brain freeze na rin siya sa ginaw kasi hindi na siya makapag-math. Well, ayoko naman siyang kulitin kasi hindi ko rin alam yung sagot dahil tinatamad ako mag subract mentally. Mweheheh! Tsaka naninigas na ako kakaintay. Sa wakas eh tinulungan siya nung kasama niyang nagbebenta kayat nakuha ko na ung keso ko.
———-
Kahapon, malakas ang buhos ng snow dito pero nag bike pa rin kami papuntang school kahit hindi pa na-plough yung kalye. Hindi pala kami pwedeng maki-angkas dun sa school bus ng dormitory sa kabilang kalye dahil kilala daw nung driver yung mga pasahero at pinapatalsik niya yung mga nagpapanggap. Nagdoble ingat na lang kami at sinigurado naming dun sa naiwang bakas ng ibang dumaang kotse kami nagba-bike. Nadaanan na kasi ng mga gulong nila yung makitid na bahagi ng kalsada kaya walang snow at di kami madudulas.
Sabi ni Laura sa akin, "Look Duday, we’re the only two insace people biking in this weather!"
—————
Friday ng gabi, nagkasudo kami nina Laura at Sumi na panoorin sa Athena Grand Cinema ang "Last King of Scotland." Ito ang sinehan na nasa tabi ng pinupuntahan naming grocery (Kroger’s) pag Sabado ng umaga at ng local shopping mall na kalahati lang ang bukas na tindahan sa loob kahit anong araw ka pumunta.
Wala akong ideya kung tungkol saan ang pelikula. Akala ko, para siyang Braveheart or something about heroism. Dios mio! Tungkol pala yun sa isang paranoid na diktador sa Uganda noong 70s na nagpapatay ng more than 300,000 civilians!!! So much for relaxation on Friday!
Ang pangalan ng sadistang ito ay Idi Amin Dada at naniniwala akong isa siyang baliw. Grabe! Dun nga sa isang eksena sa pelikula eh tinakpan na namin ang mga mata namin dahil sa sobrang brutal niya. Hanapin nyo sa Google ang pangalan ni Amin at makikita nyo ang listahan ng ginawa niyang karahasan. Tawagin ba naman ang sarili niyang "Lord of All the Beasts of the Earth and Fishes of the Sea!
Kaya paglabas namin sa sinehan at midnight, nagkasundo kaming tatlo that we needed a drink kung hindi babangungutin kami sa lahat ng nakita namin.
Laura: "Let’s talk about something else! We could tell jokes!" At nag joke nga siya. Matapos nun naalala niya bigla, "You know what, my boyfriend and I watched Hotel Rwanda when we went out on a date before."
Me: "You what?! Why did you watch a genocide movie on a date night?"
Laura: "I know! We were both crying afterwards and we did just said good night afterwards and slept.We were so disturbed by the movie!"
Naman! Kung ako din yun eh mapapatanga na lang ako buong gabi kakaisip kung ano nang nangyayari sa mundo. Not romantic at all! So ayun, pag uwi namin ay isa isa kaming nag-curl up sa kama at nag-wish na sana hindi namin mapanaginipan ang kalagiman ni Amin at mapawi ng makapal na kumot at medyas ang lamig ng winter.