White Christmas

Hindi ko makakalimutan yung unang apak ko sa snow. Tandang-tanda ko, December 1 nun, Friday dito sa Chicago. Tapos sabi ng tita ko sa kin, "Dali, isuot mo itong jacket at pipicturan ka namin sa snow!" Pero ako lang yung lalabas ha. Sila, maiiwan sa loob ng bahay. Bakit kaya? Ayaw ba nila damahin ang nyebe?

Ako naman, excited kasi mula sa dining hall, kitang kita ko na parang ang ganda ganda kasi puting puti at natabunan yung buong lawn at veranda ng bahay. White Christmas na ito! Ang imagination ko pa nga eh ang snow ay parang maliliit na bolang nahuhulog mula sa langit. Alam mo yun, parang sa cartoons tapos pwede kayong mag holding hands to keep each other warm. Iniisip ko pa nga, kapag nag melt ba ang snow ay babaha parang sa Pilipinas? Pag ba winter, araw araw may snow? Malamig ba talaga ang snow?

Golly, mali pala ako! Akala ko super cute na makipag habulan sa snow pero pag apak ng boots ko, oh my! Lumubog ng two inches! Malakas yung buhos nung araw na yun kaya ang taas na ng accumulation. Para nga akong sakang na naglalakad kasi baka madulas ako dahil hindi ko makita yung sahig. Tapos nahuhulog yung mga snowflakes sa salamin ko at nanginginig akong ngumiti sa camera kasi ang lamig!!!

Sabi ng Tita ko, "Mag train na lang kayo ni Jessie. Ayoko mag drive kasi di pa na-plough yung snow sa kalsada kaya madulas." O sige, sabi ko. Adventure din yun.

So nag-aabang kami ng tren sa ginaw para maganda yung pwesto namin. Nagmamadali kami kasi akala namin yung padating na yung sasakyan namin. My golly, mali na naman! Cargo train pala yun at hindi siya hihinto! So dahil rumaragasa ito eh lahat nung snow eh tumalsik sa amin ni Jessie sa gilid. Sapul na sapul kami! Isipin nyo yun bumabaha tapos may kotseng dumaan para matalsikan kayo ng putik. Parang ganun, pero yung amin nga lang ay isang mahabang train.

So natawa na lang kami dahil parehong naging cloudy ang salamin namin dahil sa impact. Nag wish kami na sana yun na ang huling araw ng heavy snow.

:)

Leave a Reply