Bagoong at nosebleed
Thursday, October 26th, 2006Ilang beses akong napamura dun sa loob ng Asian Market kasi first time ko lang dun kanina with Sumi, my Japanese roommate, at si Laura. Para akong tanga at tuwang tuwa silang pagmasdan ako nung makita ko yung mga Filipino products. Nasa first shelf yung dried mangoes pero inaasahan ko naman yun so hindi ako nabigla.
Pero nung nakita ko yung tocino at longganisa, napasigaw talaga ako, "OH MY GOD!!!" Ang brand ay ‘Pampanguena’ so sigurado akong from the Philippines. "May tocino dito!" Pero hindi ko binili kasi mahal - $3.49. Tapos nakita ko yung Mama Sita’s sinigang sa bayabas mix.
"Hey Laura!!! Do you know what this is? This is guava used as souring ingredient. It’s delicious! I’ll cook it for you and you’d love it!"
I saw this whole range of Mama Sita products pero mas madami pa rin yung tinda nilang Japanese ingredients at Chinese sauces. Tuwang-tuwa ako nung makita ko yung canned langka, canned rambutan, nata de coco at sotanghon.
Pero ang pinkamalaking sorpresa ay may tinda silang bagoong at Ligo sardines. Oh my!!! Langit na ito! Bumili ako ng isang maliit na ligo para naman hindi ako magka-goiter dahil konti ang tindang salwater fish dito. Pero yung bagoong, $6 ang isang bote, at absurd naman kung bibilin ko yun.
Masayang masaya kaming tatlo kayat nakalimang plastic kami ng grocery.We’re looking forward to a week of Asian food. Tuturuan ko nga si Sumi magluto gamit ang patis sa susunod. Kasi, bumili siya ng isang bote eh hindi naman pala niya alam gamitin. Kaya pag-uwi ko minsan e amoy patis yung bahay namin kasi napadami yung lagay niya at hindi masarap ang naging lasa. Di bale, trade na lang kami, tuturuan nya ako magluto ng Japanese food (gusto ko yung koroke) at tuturuan ko siyang magluto with patis.
______
Mahirap isipin kung gaano kalamig ang zero degrees celsius kung 23 years ka nang nakatira sa isang tropical na lugar gaya ng Pilipinas. Ang summer sa atin ay umaabot ng 36 degrees at sa ordinaryong araw naman ay 26 degrees. Hindi mo na kailangan magkonsulta sa PAGASA dahil most of the time, mali naman prediction nila at alam mo naman na either pagpapawisan ka or uulan. Kaya pagdating sa pagdadamit, kahit gusto mong pumorma at magsuot ng trenchcoat para magmukhang fashion-forward ay hindi kakayanin ng powers mo ang init.
Kaya naman sobrang nanibago ako noong nagsimulang bumagsak ang temperature dito sa Athens. Pagkagising ko, ang una kong tinitingnan sa Internet ay ulat panahon
para ma-estimate ko gaano kadaming layer ng damit ang kailangan. Tapos,
pagbaba ko sa first floor, bubuksan ko yung pintuan at iwawagayway ko
sa hangin yung isang kamay ko para maramdaman ko kung gaano talaga
kaginaw ang hangin. Ang weird lang talaga na tanghaling tapat ay
makikita mong naka-jacket ang mga tao. Kahit may araw ay nanininigas
ang dulo ng daliri ko at lagi akong naka-curl up sa kama. Ang quick
solution ko ay upuan ang aking kamay pero minsan hindi rin gaanong
nakakadagdag sa init. I guess I’m not that hot after all, mweheheh!
Isa pa, dumudugo ang ilong ko (yung kaliwa lang ha) dahil tuyo ang hangin. Literal na nose bleed ito, hindi nga lang nahuhulog ung dugo kasi naninigas! Lagi na rin nakataas ang balahibo ko. Dati, nakakapag-bike pa ako na nakasuot ng mini skirt, boots, at tank top. Ngayon, hindi na. Nakasuot ako ng dalawang t-shirt, dalawang jacket, leggings sa ilalim ng jeans, socks na halos hanggang tuhod, boots, scarf, bonnet, at mittens para lang magbisikleta ng sampung minuto papuntang klase. Kulang pa daw yun kung below zero ang temperature.
Hay, hay, what i would do for some warm sunshine!