worried about uplb
"hard hit ang lb ng bagyong milenyo!" ito ang sabi sa akin ng lahat ng mga kaibigan ko sa UPLB. pati daw punong acacia sa tabi ng admin ay tinangay ng malakas na hangin. walang kuryente, walang tubig sa maraming lugar.
yung bahay ng dati kong officemate sa pahinungod, binaha daw putik. yung bahay ng kaibigan ko sa anos, inabot ng tubig baha yung 1st floor ng bahay nila kaya basang-basa ang mga sofa at cabinets. yung UP Open University Library, hindi rin nakaligtas, sabi ng boyfriend ko. Nabasa rin. At ang kwento ni Kuya Rommel, mukha daw winasiwas na walis ung LB Square, ang campus hangout, nasira daw yung hanging bridge, at kitang kita daw yung ilog sa Palma Bridge. Ang tindi talaga!
niisip ko yung mga dormates ko na nakatira dun sa VC Systems. Kamusta kaya sila? HIndi well insulated yung lugar namin kaya malamang sobrang gininaw sila nung bagyo.Yung roommate ko ngang si France, binilinan kong magkumot mabuti at mag ingat dahil sigurado akong madilim at malamig sa dorm namin.
sana magkailaw na at magkatubig. sana matulungan kaagad yung mga nasalanta. sana yung susunog na bagyong si Neneng ay hindi na malakas. at sana nasa mabuting kalagayan ang lahat ng mga kaibigan at kakilalla ko. yan ang prayer ko ngayon bawat gabi.
September 30th, 2006 at 4:23 am
i heard about milenyo and how it destroyed most parts of manila. i heard 4 days ng black out dun. but i never thought that UPLB was also affected.
sana ok ang lahat…
October 2nd, 2006 at 4:15 am
5th day na ngayon wala pa ding kuryente sa amin sa Cavite… yung tubig namin sa tanke malapit na ding maubos…
pumosok ako sa ofc nung Friday atsaka ngayon… ang daming puno sa kalsada na nabuwal… sa SLEX yung mga billboard nagbagsakan…
naalala ko tuloy ng college ako sa LB, Rosing naman yung bagyo, dami ring napinsala noon. Pero mas malala ngayon… sana nasa maayos na kalagayan mga kaibigan ko dun sa LB ngayon.
October 4th, 2006 at 4:03 am
Maraming salamat sa iyong pagbabalita, mahal kong Duday.
Napatunayan ko na totoo ang lahat ng sinabi mo at ikinuwento sa iyo ng mga kaibigan mo.
Dali-dali akong umuwi ng LB ng makita ko ang naka-post dito.
Nakapanglulumo ang aking nakita at nadama ng mga oras na iyon bagama’t gabi na ng ako’y dumating sa UPLB.
Sinalubing ako ng mga punung-kahoy na natumba sa tinding lakas ng hangin at ulan.
Ang mga gamit ko na inihabilin sa mga kaibigan ko sa Putho ang aking naisip dahil itinext nila ako na naabot ng tubig ang bahay nila at kailangang ayusin namin ang mga gamit.
Madilim ang buong paligid at tanging ang isang kandila lamang ang pinanggagalingan ng liwanag ng buong bahay ng ako’y dumating sa tahanan ng pamilya ng aking mga kaibigan.
Salamat naman at ligtas silang lahat sa kapahamakan dahil balita ko pa sa pedicab driver na nasakyan ko mula AnSci hanggang Putho na 10 ang patay sa Brgy. Bagong Silang at 4 pa ang nawawala.
Terrible nga ang naganap na kalamidad. Milenyo nga ang panahon at pangalan ng bagyong dumaan.
Hindi ko na inintindi ang mga gamit ko kung nabasa o anupaman bagkus ay pinakinggan ko ang lahat ng kuwento nila sa bagyong nagdaan.
Ang paglabas-masok ng hangin at tubig sa kanilang kuwarto at sala ang pinakamatindi sa lahat dahil sumakit ang buong katawan ng mag-iina kong kaibigan sa pagtaboy ng tubig papalabas ng bahay noong panahon ng kalakasan ng bagyo.
Salamat na lang at ligtas din ang mga gamit ko, sa awa ng Diyos.
Kahit andito lang ako sa QC ay hindi ko agad nabalitaan dahil wala ng kuryente at telepono. Tanging ang cellphone na lamang ang napapakinabangan ng mga panahong iyon na malapit na ring ma-drain ang battery.
Kaya’t pasalamat pa rin ako sa iyo dahil kahit na nasa ibang panig ka ng daigdig pala sa ngayon ay nakasagap ka pa ng balita masama man o mabuti ganun talaga ang buhay.
May bagyo man o wala dapat pa rin tayong magpasalamat dahil tayo’y pinagpalang mabuhay at magbahagi ng ating mga natatanging kakayahan!!!
Salamat kaibigan!
Ngiti naman diyan. Lubha lang kitang na-miss sa mga sandaling nabasa ko ang kuwento mo. At naaliw naman akong sagutin ito.
He,he…sana ako rin may makuhang ganyang oportunidad balang araw…Ingat at kumusta na lang sa iyo riyan. Hangad ko ang iyong tagumpay.
Nagmamahal mong kaibigan,
Angel Irvin
October 4th, 2006 at 9:26 pm
dear lorraine, edizon, and irvin,
patuloy akong nakikibalita kung kamusta na sa LB. pati ung bahay ng mga teacher ko sa devcom ay binaha. i can’t believe it!