Sana uminit pa!

para akong isang sisiw sa poultry na tumatabi sa ilaw ng lamp para mainitan tuwing umaga at gabi. nilalamig ang kamay ko tsaka ang paa ko kahit may medyas at nakabalot ako sa kumot dahil patuloy na bumababa ang temperature. tinatapat ko yung palad ko sa bulb sa tabi ng study table ko para mawala ang nginig sa mga daliri ko at makapag-notes ako ng maayos.

iniisip ko, mag-heater na lang ako kapag hindi na kaya ng powers ng dalawang kumot at sweater ang ginaw. kasi, pag pinaandar ko yung heater, tataas yung bill namin at wala pa akong sweldo til oct. 1. sana uminit pa at magkaroon pa ng sunshine para sa akin!

minsan iniisip ko, kung mababawasan ba ang perceived coldness nararamdaman ko kung meron akong ka-holding hands. kasi pag nagsisimba ako pag Linggo, may isang couple - lolo at lola - na super sweet sa buong misa. imagine, kapag yung part ng gospel na "Glory to you o Lord" e si Lolo ang gagawa ng sign of the cross kay Lola tapos mag-kiss sila! Tapos lagi silang magkahawak - kamay.

Minsan natutuwa ako, pero minsan naiinggit ako. Naiiyak na nga ako minsan sa inggit at gusto ko silang sigawan na "pwede ba, wag masyado!!!!" Kasi naman, nakaka-miss, lang talaga. Eh kahit nga "Ama Namin" eh wala akong ka-holding hands at parang kulang kahit saang anggulo ko tingnan. Iba pa rin yung human touch to make you feel part of something - a relationship, a family, a community.

May mga pagkakataon na ang hirap lang talaga isipin na two years walang mag-embrace sa kin in the way I want to be embraced. Sinusubukan ko na lang yun bawiin sa mga sulat at sa mga images sa webcam. Minsan, sapat na yun pero pag hindi na, bubuksan ko na yung heater sa kwarto.

:)   

4 Responses to “Sana uminit pa!”

  1. Sandy Says:

    i am officially starving for affection. :(

  2. - Gabby - Says:

    naku ditse, dont be lonely there. it may be a cold place but we are always with you in thought and heart. i will be sending you a video on your email so you can get a fresh look of whats new here at home. it was taken after ate’s oath taking at PICC for the PRC. She is now a licensed doctor!

    We ate at dencio’s grill afterwards. =)

    miss you a lot.

  3. Kim Says:

    May mga pagkakataon na ang hirap lang talaga isipin na two years walang mag-embrace sa kin in the way I want to be embraced.

    - yep. kaya natin ito sis. 8 mos and going istrong na ako. kaya mo rin yan. tibayan ang loob -

  4. Audrey Says:

    Baby lou…Don’t worry..hindi ka nag-iisa… I totally understand what how you feel…Punta ka dito sa bakasyon mo and I will hug you tight!!! Namimiss na kita bestfriend!!!….Kahit na hindi tayo nagkikita at nagkakausap the past years, you will always be in my heart…Sana nga dito ka na lang nakatira malapit sa akin eh….Miss na kita…

Leave a Reply