fishy glory

My lunch menu for today:
- fried catfish fillet (seasoned with salt, pepper, and 1/2 lime) with dipping sauce (made of patis mixed with sugar, garlic, and chilis)
- garden salad
- 2 glasses of 2% reduced fat milk

Habang kumakain ako ng isda for lunch, naisip ko, namimiss ko yung tinik, yung buntot, tsaka yung ulo ng isang tunay na hito. Wala lang. Siguro nasanay lang ako sa fried catfish na pwede kong ngatngatin yung malutong na tinik pagkasawsaw ko sa toyo at calamansi. Dito kasi, puro fillet na yung nakatinda. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kaibahan ng catfish sa salmon sa sea bass pag fresh sila.

Kung sa bagay, convenient rin ang fillet kasihindi ko na kailangang linisin pa pagkabili ko sa grocery. Madaling iluto kasi hiwa na at hindi ko na kakaliskisan. Hindi ko na rin kailangan mag reserba pa ng saging sa ref para may pantulak ako kung sakaling matinik.

Pero iba pa rin yung makita ko na  isang tunay na isda, in all its fishy glory, ang kinakain ko. Yung iba kong kaibigan,  hindi nila maimagine kumain ng isda kung nakatingin ang mata sa kanila. Para naman sa akin, nawawala yung excitement sa paghihimay at sa pagsimot, na expertise ng mommy ko. 

Malamang sa ibang states na malapit sa dagat, madali at pangkaraniwan makakita ng mga "fresh catch" pero dito sa Athens, wala akong ganyang pagkakataon. So siguro, tiis tiis muna ako hanggang dumating yung panahon na makakain ulit ako ng isang tunay na isda.

:)

4 Responses to “fishy glory”

  1. Kristine Says:

    ate duday! dyan ka na pala tate… ang saya ng blog mo! hehe. had fun reading everything! ^_^

  2. Allessandra Says:

    ako naman, miss ko na ang bangus. meron dito, pero galing din ng pinas. i haven’t had the chance to buy though. laging ubos. :)

  3. Chivas Says:

    … in the meantime, i will eat lotsa seafoods for you, hahaha…. oops, got any benadryl/ claritin? haha

  4. Lourdes Says:

    dear sandy, gusto ko kumain ng squid. pero wala akong makita dito na fresh!

Leave a Reply