Archive for September, 2006

worried about uplb

Saturday, September 30th, 2006

"hard hit ang lb ng bagyong milenyo!" ito ang sabi sa akin ng lahat ng mga kaibigan ko sa UPLB. pati daw punong acacia sa tabi ng admin ay tinangay ng malakas na hangin. walang kuryente, walang tubig sa maraming lugar.

yung bahay ng dati kong officemate sa pahinungod, binaha daw putik. yung bahay ng kaibigan ko sa anos, inabot ng tubig baha yung 1st floor ng bahay nila kaya basang-basa ang mga sofa at cabinets. yung UP Open University Library, hindi rin nakaligtas, sabi ng boyfriend ko. Nabasa rin. At ang kwento ni Kuya Rommel, mukha daw winasiwas na walis ung  LB Square, ang campus hangout, nasira daw yung hanging bridge, at kitang kita daw yung ilog sa Palma Bridge. Ang tindi talaga!

niisip ko yung mga dormates ko na nakatira dun sa VC Systems. Kamusta kaya sila? HIndi well insulated yung lugar namin kaya malamang sobrang gininaw sila nung bagyo.Yung roommate ko ngang si France, binilinan kong magkumot mabuti at  mag ingat dahil sigurado akong madilim at malamig sa dorm namin.

sana magkailaw na at magkatubig. sana matulungan kaagad yung mga nasalanta. sana yung susunog na bagyong si Neneng ay hindi na malakas. at sana nasa mabuting kalagayan ang lahat ng mga kaibigan at kakilalla ko. yan ang prayer ko ngayon bawat gabi.

STRANGE BUT REAL

Wednesday, September 27th, 2006

Advertisement on the yellow pages of our verizon directory:

ABORTION ALTERNATIVES

"The following businesses have represented that they provide counselling and/or information on alternatives to abortion. We strongly urge you to make your own investigation and evaluation of the busine to determine if they offer the services you require."

Walang ganitong ad sa Pilipinas. Na-shock ako.

Sana uminit pa!

Thursday, September 21st, 2006

para akong isang sisiw sa poultry na tumatabi sa ilaw ng lamp para mainitan tuwing umaga at gabi. nilalamig ang kamay ko tsaka ang paa ko kahit may medyas at nakabalot ako sa kumot dahil patuloy na bumababa ang temperature. tinatapat ko yung palad ko sa bulb sa tabi ng study table ko para mawala ang nginig sa mga daliri ko at makapag-notes ako ng maayos.

iniisip ko, mag-heater na lang ako kapag hindi na kaya ng powers ng dalawang kumot at sweater ang ginaw. kasi, pag pinaandar ko yung heater, tataas yung bill namin at wala pa akong sweldo til oct. 1. sana uminit pa at magkaroon pa ng sunshine para sa akin!

minsan iniisip ko, kung mababawasan ba ang perceived coldness nararamdaman ko kung meron akong ka-holding hands. kasi pag nagsisimba ako pag Linggo, may isang couple - lolo at lola - na super sweet sa buong misa. imagine, kapag yung part ng gospel na "Glory to you o Lord" e si Lolo ang gagawa ng sign of the cross kay Lola tapos mag-kiss sila! Tapos lagi silang magkahawak - kamay.

Minsan natutuwa ako, pero minsan naiinggit ako. Naiiyak na nga ako minsan sa inggit at gusto ko silang sigawan na "pwede ba, wag masyado!!!!" Kasi naman, nakaka-miss, lang talaga. Eh kahit nga "Ama Namin" eh wala akong ka-holding hands at parang kulang kahit saang anggulo ko tingnan. Iba pa rin yung human touch to make you feel part of something - a relationship, a family, a community.

May mga pagkakataon na ang hirap lang talaga isipin na two years walang mag-embrace sa kin in the way I want to be embraced. Sinusubukan ko na lang yun bawiin sa mga sulat at sa mga images sa webcam. Minsan, sapat na yun pero pag hindi na, bubuksan ko na yung heater sa kwarto.

:)   

fishy glory

Tuesday, September 12th, 2006

My lunch menu for today:
- fried catfish fillet (seasoned with salt, pepper, and 1/2 lime) with dipping sauce (made of patis mixed with sugar, garlic, and chilis)
- garden salad
- 2 glasses of 2% reduced fat milk

Habang kumakain ako ng isda for lunch, naisip ko, namimiss ko yung tinik, yung buntot, tsaka yung ulo ng isang tunay na hito. Wala lang. Siguro nasanay lang ako sa fried catfish na pwede kong ngatngatin yung malutong na tinik pagkasawsaw ko sa toyo at calamansi. Dito kasi, puro fillet na yung nakatinda. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kaibahan ng catfish sa salmon sa sea bass pag fresh sila.

Kung sa bagay, convenient rin ang fillet kasihindi ko na kailangang linisin pa pagkabili ko sa grocery. Madaling iluto kasi hiwa na at hindi ko na kakaliskisan. Hindi ko na rin kailangan mag reserba pa ng saging sa ref para may pantulak ako kung sakaling matinik.

Pero iba pa rin yung makita ko na  isang tunay na isda, in all its fishy glory, ang kinakain ko. Yung iba kong kaibigan,  hindi nila maimagine kumain ng isda kung nakatingin ang mata sa kanila. Para naman sa akin, nawawala yung excitement sa paghihimay at sa pagsimot, na expertise ng mommy ko. 

Malamang sa ibang states na malapit sa dagat, madali at pangkaraniwan makakita ng mga "fresh catch" pero dito sa Athens, wala akong ganyang pagkakataon. So siguro, tiis tiis muna ako hanggang dumating yung panahon na makakain ulit ako ng isang tunay na isda.

:)

Follow that car!

Sunday, September 10th, 2006

on the way to a picnic last saturday, naligaw kami. may dalawang kotseng nakasunod sa amin at walang ni isa na may dalang mapa. puro puno at mga highway na mahaba na walang tao ang nakita namin kakahanap sa Baker Road. At one point, pumara kami ng driver para itanong yung daan pero pagkatapos nun, nagmadali lahat ng mga kotse at nagkawalaan kami.

kanino kaya kami magtatanong na tama ang ibibigay na direksyon? iba iba kasi ung sinasabi namin pero isang oras na at nasa loob na kami ng gubat e wala pa ring lumalabas na farm. mauubos na nga yung gasolina namin eh. Nung nakakita kami ng police car sa isang far away neighborhood, sobrang desperado na si Stela Matutina from Tanzania kaya ang sabi niya,

"Let’s follow that car and ask him!"

Pero ayaw ni Laura. "We can’t follow the police until he gets home, you know. He might think we’re stalking him!"

Kung sa bagay, san ka nga naman nakakita ng civilian na sumusunod sa pulis para lang magtanong ng direksyon. Malay ba namin kung san pupunta ung pulis na yun diba?

Laura was frustrated because we were so lost and she did not know what to do. Nasa Albany na kami by this time at ilang highway na ang nalampasan namin. She said if we did not find it, she’ll just treat us at Dairy Queen then we will go home. Ako naman, I was her cheerleader. I was not concerned at all whether we get to the picnic or not or if we were lost. Im poor at directions myself and I was not the driver so the best thing was to tell both of them we’ll find our way somehow.

And fortunately, that got us through the day. We found the right road after one hour. Bumawi na lang kami sa pagkain at masaya kaming umuwi.

the language or the kiss

Thursday, September 7th, 2006
The Language or the Kiss
Indigo Girls

I dont know if it was real or in a dream
Lately waking up Im not sure where Ive been
There was a table set for six and five were there
I stood outside and kept my eyes upon that empty chair
And there was steam on the windows from the kitchen
Laughter like a language I once spoke with ease
But Im made mute by the virtue of decision
And I choose most of your life goes on without me
Oh the fear Ive known
That I might reap the praise of strangers
And end up on my own
All Ive sown was a song but maybe I was wrong

I said to you the one gift which Id adore
The package of the next 10 years unfolding
But you told me if I had my way Id be bored
Right then I knew I loved you best born of your scolding
When we last talked we were lying on our backs
Looking at the sky through the ceiling

I used to lie like that alone out on the driveway
Trying to read the greek upon the stars
The alphabet of feeling
Oh I knew back then
It was a calling that said if joy then pain
The sound of the voice these years later
Is still the same

I am alone in a hotel room tonight
I squeeze the sky out but theres not a star appears
Begin my studies with this paper and this pencil
And Im working through the grammar of my fears

Oh mercy what I wont give
To have the things that mean the most
Not to mean the things I miss
Unforgiving the choice still is
The language or the kiss

Malamig!!!

Friday, September 1st, 2006

Ngayong tanghali ang first encounter ko sa malamig na temperature dito. Lumabas kami sa orientation na super gutom at around 12:30 noon at ang bumati sa amin ay ang 16.1C na hanging sa labas. Grabe!!! Umuulan pa at nangangatog talaga kami pauwi.

Kailangan ko mag exhale several times at kurutin ang kamay ko para hindi maging manhid sa lamig. Pagdating sa bahay, mas warm kaya masarap. Ganun din sa mga buildings pero karamihan ay balot na balot. Kakatwa lang talaga yung iba na naka shorty shorts pa rin o nagpapabasa sa ulan. Siguro makapal balat nila.

At ang pinaka-okay sa lahat, kahit malamig, nakapag-register na ako sa classes ko this quarter sa loob ng limang minuto. Can you believe that? Astig diba? Imagine mo na lang kung kailangan namin pumila para lang sa apat na kurso. Siguro sisipunin kaming lahat pag ganun.

Sa Tuesday, pasukan na!