Sabaw!!!
Gusto kong ibalita sa inyong lahat na naimbitahan ako ng isang Pilipina (si Tita Grace) dito for dinner sa bahay nila at pinakain nila ako ng PANCIT at SINIGANG NA BABOY! Woohooo!!! Ang saya-saya!!! Can you believe that? Pagkaing may sabaw!! Yahoo!!
May kanin shempre at may giant strawberries with chocolate for dessert. Ang pinakamasayang bahagi ay marunong mag-Tagalog ung mga dalawang bata at pareho kami ng probinsya nung nanay ni Tita Grace kaya hindi ko kailangang mag English buong gabi.
Sabi nung husband, "You’re the second person I’ve met who was overjoyed to see that rice was being served for dinner. We had a Japanese visitor recently and she clapped her hands when she saw it and ate so much!" Well, sino ba naman ang hindi matutuwa? Mas masaya kumain ng kanin at sabaw kung marami kang kasama sa table at kaagaw sa pagkain diba?
Na-touch nga ako kasi tumugtog yung 9-year old daughter (si Jenelle) nila ng violin for me at yung 3 years old (si Amihan) naman ay nagki-kiss at yumayakap na sa akin pagkatapos ng kainan. Naisip ko tuloy, how nice it is to belong to a family - home away from home. Para nga akong flip eh, naluluha habang nakikinig ng isang elementary violin piece. Wala lang. Basta lang.
Pero matapos ang picture taking at humalik na sa akin yung dalawang bata, naisip ko, I’ll be ok - basta may kanin at sabaw kahit paminsan minsan lang.
Two weeks down. Two years to go.