3 Days in America
Sabi ko nga sa kaibigan ko, feeling ko, ako si Renee Zellwegger sa Cold Mountain. Kasi dun sa pelikula, nilinis niya ng nilinis yung bahay ni Nicole Kidman na halos tubuan na ng gubat dahil sa kapabayaan. Ganung lebel yung apartment ko dito sa Athens. Maganda naman ngunit inabutan kong sobrang dumi. Yuck kadiri talaga.
Pangalawang araw ko na nag-rake ng damo. Mga tatlong oras ko yung ginawa kaninang umaga kaya yun na ang exercise ko. Bad trip nga at walang walis tingting dito kaya itong broom na mataas
ang gamit ko. At sumasakit na ang likod ko dahil wala silang dustpan na
mataas.
Naka tatlong garbage bag na nga ako ng tuyong dahon dito sa backyard namin at tatlong garbage bag ng iba’t ibang kalat. Imagine, sa ilalim ng lawn mower ay may mga nakadikit na damo na 2 buwan na siguro dun. At sa window namin sa harap ng kitchen ay may makapal na cobwebs may tatlong patay na moth na nakadikit para kainin ng gagamba. Yan ang view habang naglilinis ka ng plato.
Buti nga tinulungan ako ng roommate ko kahapon at ng boyfriend niya na kamukha ni Peter Parker. Naglinis kami ng ref, ng pantry, ng bathroom, ng living room at ng porch hanggang 1:30 am. Kung hindi, siguro natulog na kami kasama ng mga bugs.
Nagtataka nga ako bakit wala akong ipis na nakikita o kaya langaw na sinlaki ng andun sa Pilipinas. Wala pa rin akong nakitang ahas sa garden bagamat napakakapal ng weeds sa likod. Kung hardinera lang ako, matagal ko nang inupakan itong garden. Ito kasing may ari ng lease ng bahay ay mahilig naman sa halaman kaya maraming mga potted plants sa harap at likod. Pero hindi naalagaan kaya naging mini forest na itong lugar.
Para sa mga kaibigan ko sa UPLB, ang harap ng bahay namin ay parang yung sa harap ng Pahinungod. Animo’y English garden na iba’t ibang nakatanim at mukhang kalahati dun aay ligaw na damo. Pero wag ka, may poison ivy daw dun kaya wag akong basta bastang maggugupit ng halaman.
Minsan iniisip ko, para namang na sa LB rin ako . Ang kaibahan nga lang ay hindi mainit, mas malaki ang bahay, at kailangan ikaw ang dumiskarte sa furniture mo mula sa thrift shop. At hindi mo pwede basta ututsan yung roommate mo na "Hoy ang kalat mo, linisin mo yan!"
Kasi sa LB, pagdating mo sa bahay, furnished na. Dito mismatched ang mga gamit o walang gamit kaya bahala ka maghanap san ka kukuha ng dresser lalagyan ng panty mo at sapatos at paano mo iuuwi ang bagong mattress kung wala kang kotse.
Pero sa awa ng Diyos, ay 75% clean na ang bahya. Pwede nang tulugan. My kama na ako at nadecorate ko na ang maliit kong kwarto ng bagong lampshade at litrato sa dingding. Wala pa akong computer, dresser, calendar, alarm clock, study table, at digital camera. Lahat ng gusto magbigay, welcome yan sa akin! Mahal gumastos in dollars eh. Mwehehe.
Basta ang lesson sa akin sa unang tatlong araw ko, create a home you would love to go home to. Kahit gaano pa kahumble or grand ang bahay, basta malinis, secured, at mabubuhay ka dun sa winter, ok yan.
Welcome to America.
August 19th, 2006 at 5:51 pm
ditse, pano yung fork and spoon? can opener? bottle opener? scissors? pano ang cup,mug, plates, toyo, patis at bagoong??
August 19th, 2006 at 9:22 pm
Welcome to a life away from the Philippines!
Minsan mare-realize mo kung gaano talaga ka wise ang mga Pinoy… dito sa NZ problema ko din ang maliit na dustpan, and kawalan ng walis tingting, at walis tambo.
Looking forward to more updates from you =)
August 19th, 2006 at 10:06 pm
Duday, how long will u stay there? maybe you could give me your contact # so i could call u one of these days…
August 24th, 2006 at 6:52 pm
Duday, Howdy from Texas! Haha. Welcome to america. punta ka sa asian stores, baka makahanap ka ng walis tingting o walis tambo. talk to you soon, call me anytime, OK?