Dahil sanay ako sa jaywalking sa Pilipinas, kahit na sa isang major highway tulad ng EDSA, nanibago ako sa mga traffic signs dito sa Amerika. Sa bawat kalye, meron malaking "WALK" at "DON’T WALK" na paalala. Kung hindi ako nagkakamali, may 23 seconds ako para tumawid pero sa huling 10 seconds ay may warning na maghintay na lang ako sa susunod na interval.
Nung unang linggo ko dito at ay medyo paranoid ako kung matiticketan ako ng pulis pag tumawid ako sa maling oras. Palaisipan talaga sa akin kung merong mga hidden camera sa mga traffic lights na makakakita sa mga pasaway na katulad ko. Sabi ko sa sarili ko, baka mapa-deport ako dahil sa jaywalking, nakakahiya naman.
Minsan kasi, walang tao sa kalye at wala ring kotse tapos hindi ko ma-figure out kung bawal pa rin maglakad. Isang beses pa nga, halos sumubsob na ako sa kalsada kasi nung tatawid na ako, biglang nagpalit ng senyales! Aba, eh napaurong ako kasi baka sagasaan nila akong lahat diba?
Kaya naman natuwa ako nung nalaman ko na hindi lang ako ang naninibago sa American culture. Nung unang malaking pagtitipon ng mga international students, kinuwento nila kung ano yung mga pareho at kakaiba sa kanila. Tingnan nyo to:
1. Sabi nung isang English teacher from China, hindi daw siya sa sanay umupo sa toilet seat. "How can you sit on those cold, round things?" tanong niya. "In China, we always squat!" so she’s still getting used to the idea.
2. Si Eunice naman, from Malaysia, nalito daw siya nung unang beses siyang tanungin ng "Hey, what’s up?" Ang sagot niya, na tama naman kung iisipin, ay "The moon and the stars!"
3. Ang problema naman ni Mauricio from Colombia, na problema rin namin na mga galing sa mga kulturang very touch at affectionate, ay kung pwede bang mag-kiss at hug pag bumabati at nagpapaalam. Kasi sa kanila daw, ang mga lalaki ay nagyayakap with a pat on the back eh ang mga Amerikano in general, hindi ganun. They are not an intimate culture at all.
Nag-agree dito ang dalawa kong American housemates. "Americans don’t kiss, except if you’re really good friends. We shake hands, that’s all."
At saka yung parati nilang tanong na "How are you?" or "How was your day?" ay hindi imbitasyon para sa isang dibdibang kumustahan. Para siyang "Oy kamusta?" sa Tagalog. Ito ay expression of politeness lang at hindi ka required sabihin ang totoong feelings mo like, "Bad hair day ako ngayon." or "Pagod ako, nami-miss ko ang nanay ko, tapos ang dami ko pang dapat gawin tulad ng….blah….blah…blah…."
Shempre, shocking ito sa ibang kultura kasi sa kanila, pag tinanong mo, asahan mong sasabihin talaga nila at hihinto sila sa kalye para makinig. Sabi nga nung isa, "I don’t get it why they want to know how I am but they don’t want to stick around to listen!"
4. Pero ang pinaka panalo sa lahat ay yung kwento ng isang group of Chinese guys from Shanghai. "I don’t think anyone among you had a smiliar experience to us. We usually don’t cook chickens in an oven. So we came here, we took chicken and put it inside the oven without the pan.
We turned it on and after some time, smoke came out, it reached the smoke detector, and set the alarm!!! Within ten minutes, two fire trucks came to our place! So the lesson learned for us is, BE CAREFUL WITH THE OVEN."
O diba, san ka pa?
Naisip ko tuloy, "Yehey, ang saya naman, hindi pala ako nag-iisa!"