Lost and Found - Ms. Tungpalan
Natagpuan ko sa wakas ang isang teacher na matagal ko nang hinahanap - si Ms. Cristina Tungpalan, ang aking favorite computer science teacher noong 3rd year high school ako sa St. Theresa’s College. Hindi ko alam ang email niya, wala siya sa friendster, nag-iba na ang landline nya at hindi ko sigurado kung nagtuturo pa rin siya sa UST high school ng math. Hindi ko na alam paano pa kami magkikita.
Pero kahapon, bigla na lang. nasa Menage Salon ako sa Gateway nang bigla siyang dumaan at pababa ng escalator. Grabe, hindi yata ako nakahinga ng limang segundo sa sobrang gulat!
"Siya yon!!!"
So kumaripas ako at hinabol ko siya habang wala siyang kamalay malay na magkatabi na kami. Humingi ako ng malalim (Paano kung mali ako at paano kung di niya na ako matandaan?)…
"Ms. Tungpalan?"
"Yes?"
"Maaaaamm!!!!!" at sabay yakap ako shempre. Limang minuto lang kami nag-usap para lang makuha ko ang number niya at email. Tuwang-tuwa talaga ako!
Alam mo yung pakiramdam na sobrang tagal ka nang may hinihintay mangyari at hindi mo alam kung paano ba matutupad pero isang araw, right before your eyes, mangyayari at magkakatotoo.
Ang saya lang talaga. Love ko to si Ms. Cristy.
July 30th, 2006 at 7:44 am
yahoo!! good for you ate duday.. hehe.. buti naman po di kayo nadapa sa kakahabol sa kanya..hihihi.. mahanap nga din favorite teacher ko.. nainspire ako dun a..^_^
July 30th, 2006 at 8:50 am
uy uy uy! lou! musta na sha?
July 30th, 2006 at 4:57 pm
Kate!!! i posted sa egroups natin yung mobile number niya. Supercute pa rin si mam. Text mo sha bilis!!! ikaw, kamusta ka?
July 30th, 2006 at 5:04 pm
Hi Daphne, sinubukan ko talagang di madapa sa excitement at kaba. Sayang naman ang bagong haircut ko if i tumbled sa staircase. Mwehehehe!!