Wala ka sa medyas ko!
Nung elementary at high school ako, ang pinakapaborito kong part ng bagong schoolyear ay pagsuot ng bagong medyas at pag-cover ng notebook.
Tuwang-tuwa ako sa malambot na medyas ng Burlington na siyang required sa aming school. Ang puti-puti kasi at ang dulas dulas isuot! Pakiramdam ko, handang handa na akong pumasok kasi may bagong medyas na ako. Kapag kasi patapos na ang taon at naka-ilang laba na nito, manilaw nilaw at lupaypay na ang medyas. Para bang pagod na ako kakaaral. Tsaka, minsan sa isang taon lang kami bumili ng bagong school socks kaya nilalasap ko ang mga unang araw suot ito. Parang pakiramdam ko, ang yaman-yaman ko!
Bawal sa amin yung mataas na medyas na may lace o kaya may ribbon. Kailangan daw plain lang para simple, pare-pareho kami, at walang inggitan. Pero isang araw nung grade one ako, hindi ko natiis na makipagyabangan dun sa kalikod kong si Queenie. Kasi naman eh, sinimulan nya! ![]()
Kakatapos lang ng recess noon at nagdadasal na kami bago mag start ang Science class namin. Tapos kinalabit ako ni Queenie (class #4 siya at class# 3 ako).
Q: O kita mo na Lourdes, ang taas ng medyas ko o!
Tiningnan ko yung medyas ni Queenie. Oo nga, mataas nga - pang-party ang style. Hindi ako pwede magpatalo.
Ako: Ako kaya sa bahay meron akong medyas hanggang tuhod! (Pero wala naman akong medyas na ganito. Nag-imbento lang ako para matalbugan si Queenie.)
Q: Ows? Ako meron akong medyas hanggang bewang!
Ako: (Aba, ang taas nun ah. Ano kaya ang sasabihin ko?) Ako meron hanggang leeg!
Q: Ako, merong medyas pang-buong katawan!!!
Sa isip-isip ko, paano kaya hihinga si Queenie kung may medyas ang buong katawan nya? Ano yun papasok siya sa school na parang mummy ang itsura? Bago pa ako makaisip ng pampayabang eh napagalitan na kami ng teacher. Pinalabas kami ng classroom pareho.Nagtinginan sa amin ang buong klase.
Sa gitna ng corridor, habang nagsisimula ang science class namin, nagsisihan kami ni Queenie.
Ako: Iyan kasi, kinuwento mo pa yung medyas mo! Ayan tuloy, napalabas tayo!
Mula noon, natuto na ako. Hindi na ako nakipagyabangan sa mga classmate ko, lalo na pag medyas ang usapan.
June 12th, 2006 at 10:30 pm
sobrangnatawa ako dito =D
June 13th, 2006 at 12:30 am
nung prep ako, nag-drop-out ako kasi pinagalitan ako ng titser ko.

pinag-kwentuhan kasi namin noon yung tv series na wonderwoman.
moral lesson: wag maingay sa klase…
June 14th, 2006 at 1:59 am
Hehe, love the story Ate Duday =) Funny ah!
July 30th, 2006 at 7:51 am
WAHAHAHAHAHAHAHA… ano ba yan.. di ko na mabasa ng maayos kakatawa! ayos po yan a.. sana sabi mo po meron akong medyas balot buong bahay!..hehehehe