Bakit ako takot sa math

Ako na ang unang magsasabi na hindi ako magaling sa math.

Sayang nga eh. Pinangalanan pa naman ako ng nanay ko na “Margarita” kasi yun yung classmate nya na pinakamagaling sa math. Kaya lang hindi ko nasundan ang kanyang yapak. Imagine mo yun? Kung nagkataon, hindi lang ako maganda, magaling rin ako mag-compute! Astig diba?

Minsan, iniisip ko, nagsimula ang takot ko sa math dahil nung grade one ako, takot na takot ako dun sa teacher ko. Ang pangalan nya kasi ay Ms. Ferrer at matangkad siya, morena, prominent cheekbones, may malaking bilog na mata, at short wavy hair. Pero natatakot ako sa kanya kasi yung nguso nya laging naka-point. Siguro sanay lang siya na ganun ang porma ng bibig nya. Minsan nga, sinbukan kong gayahin yung pagka-point ng nguso nya kaya lang napagod ako. Paano kaya nya ginagawa yun sa lahat ng klase nya buong araw?

Tsaka napansin ko, ang haba ng braso ni Ms. Ferrer! At ang taas ng takong niya! Sa sobrang gulat ko sa itsura nya, kung anu-anong imahe ang lumalabas sa utak ko pag tinitingnan ko siya noon. Iniisip ko:

Parang mukha siyang matandang model.
Mukha rin siyang higante.
Mukkha rin siyang vulture at mangkukulam! Kulang na lang nang mahabang kuko panghablot ng bata.

Isang araw, nadiskubre ko kung para saan ginagamit ni Ms. Ferrer ang mahaba nyang braso. Nag-aaral kami ng sets. Sa notebook namin, gagayahin namin yung nasa blackboard - isang rectangle na sa loob ay may mga iba’t-ibang hugis. Tapos may isusulat kami pagkatapos sa ilalim na notes.

Ang sabi ni Ms. Ferrer, “Mag-skip kayo ng linya matapos n’yo idrowing ung rectangle.” Para nga naman hindi masikip diba?

So nagsimula na siyang umikot sa makitid na pagitan ng mga upuan. Iniinspeksyn ang trabaho ng mga studyante nya. Sa totoo lang, bumibilis ang tibok ng puso ko pag naririnig ko ang takong nyang papalapit sa upuan ko. Iniisip ko, baka may nagawa akong mali kaya tinititigan nya ang gawa ko.

Bigla napahinto si Ms. Ferrer sa table ni Pamela Sue Chua (class #7) sa pinakaharap ng row 1. At biglang nanlaki ang mata nya! Natakot ako! Anong ginawa ni Pamela?

“Diba sabi ko, mag-skip ka ng linya!!!”

Umalingawngaw ang boses nya sa loob ng classroom. Hinawakan ni Ms. Ferrer ng mahigpit ang collar ng blouse ni Pamela. Niyugyog niya ang classmate ko ng malakas. Napatulala ako. Nakita ko si Pamela, na mukhang maliit na studyanteng Intsik, na napapaangat sa upuan niya na parang isang bolang tumatalbog sa lupa dahil sa paghablot sa kanya ni Ms. Ferrer.

Tahimik ang buong klase. Walang imik si Pamela. Siguro umiyak siya pero hindi naman namin siya matulungan. Siguro ang sakit na ng pwet nya kasi kahoy ang upuan namin at parang nabalibag siya.

Dali-dali kong tiningnan ang notebook ko. Patay, hindi rin ako nag-skip!!!

Kabang-kaba ako na baka ako na ang susunod kay Pamela at mapapahiya ako sa buong klase. Titingnan rin nila ako at wala rin silang magagawa para tulungan ako. Pero sa awa ng Diyos, hindi na umikot si Ms. Ferrer at natapos na ang math period namin.

Mula noon, tuwing naiisip ko ang math, lagi na akong may konting nerbyos. Siguro kung nagkaroon ako ng magaling at mabait na math teacher dati na hindi nangyuyugyog ng mga batang nakakalimot mag-skip ng linya, siguro mas nag-eenjoy akong mag-solve ngayon ng numero.

3 Responses to “Bakit ako takot sa math”

  1. Ana Marie Says:

    grbe lou, ok ang memory mo ah.. pati row, class no. at real name ni Pamela alam mo. mbasa kya ni ms. ferrer blog na tow?hehheeh..trauma ba tlaga tow?

  2. Daphne Says:

    buti pa ang pangalan nung niyugyog na estudyante natandaan.. e sis nga po natin di mo na po maalala name kahit 10 times nang naipakilala sayo.. hehehe..

  3. Lourdes Says:

    dear daphne, kailangan kasi yung mga sis na nagpapakilala sa akin, nanlilibre para matandaan ko sila!!! joke lang. siguro they should do something wild, and wacky when they introduce themselves so nakatatak sa utak ko kung sino sila. :)

Leave a Reply