Archive for May, 2006

Totally Embarrassed

Wednesday, May 31st, 2006

Madalas kapag may kausap tayo, hindi naman tayo talaga nakikinig ng buong buo. Kaya tuloy minsan, nadidisgrasya tayo. Katulad ko. Noong kabilang buwan, nag YM sa akin yung isa kong kaibigan kasi namatay daw yung lola nya. Aba nagulat naman ako sa malungkot na balita! Pero may ginagawa kasi ako noon kaya kalahati lang ng atensyon ko ang nasa kanya. Bad!

So sabi niya sa Loyola Sucat daw ang burol.

“Sige pupunta ako.” Matagal na naman kaming di nagkikita at gusto ko talagang makiramay kasi friend ko siya.


“Yung Loyola ba ay yung may blue na ilaw yung pangalan?”

Kasi may nakikita akong Loyola pauwi ko ng Manila.

“Oo yun nga. Gusto mo matulog dito or umuwi ng Laguna after?”

“Ah wag na. malapit lang naman bahay namin dun.” Sa isip isip ko lang, bakit kaya niya tinatanong yun?

“O sige, intayin kita, 8pm.”

So nung takdang araw, nagmadali akong umuwi ng Maynila at nagpatulong pa ako sa conduktor ng HM transport na pakibaba ako sa Loyola sa Guadalupe. As in sakto pa dun sa overpass niya ako ibinaba. Pagpunta ko dun sa guard, hinanap ko na yung bibisitahin kong namatay.


“Ah wala pong nakaburol na ganun dito.”

Oh my God. Iba pala yung Loyola Sucat sa Loyola Guadalupe. Malay ko bang maraming Loyola! Ayan kasi, hindi kasi ako nakikinig!!

So hindi ko alam kung saan ba sa Metro Manila ang Sucat. Sabi nung guard, sumakay daw ako sa bus na nakalagay ay Sucat at bumaba ako at mag jeep papuntang Baclaran.


Shet. San ba yung Baclaran?

Nasayangan naman ako sa pagod ko kaya sumakay na ako sa unang non-aircon bus na pa-Sucat. Tsaka ang pride ko naman kailangan kong ma regain diba?

Pero putik talaga! Ang layo pala ng Sucat! Para na akong umuwi ulit ng LB!!! This is what I get for sleeping on the bus everytime I go home. Natatanga ako sa simple geography.

May naawa sa aking babae sa bus at isinakay ako hanggang Loyola Sucat. Buti na lang may mga busilak pang puso sa mundo na may panahon sa mga tulad ko. Sa sobrang pathetic ko, natawa na talaga ako sa sarili ko.

Matigas na ang buhok ko dahil sa pollution pagdating ko dun sa funeral. 9pm na. 1 hour late ako. Buti na lang hindi kasal ang pupuntahan ko kung hindi, aba malamang wala na akong inabutan sa Simbahan!

Ang dami daming tao dun sa burol kaya asa labas muna ako. Gusto ko talagang humagikgik sa nangyari sa akin pero shempre burol yun. Tsaka gutom na gutom na ako at nanlalagkit diba. Kayat pumunta na ako sa guestbook para pumirma.

Hindi ko napansin na nakabantay pala yung dalawang uncle nung kaibigan ko dahil inuusisa kung saan ako galing. Kinuha ko yung ballpen para pumirma.

Tapos sabi nila ng sabay,


“Miss, hindi yan yung ballpen. Kable ng ilaw yan.”

HIndi ko na kinaya. Natawa na ako.

Oh no!

Monday, May 22nd, 2006

Nung umaga ng Sabado, gumising ako ng 5am para maghanda for jogging. Antok na antok ako kasi napuyat ako kakaisip nung Biyernes ng gabi. So katulad ng nakagawian ko, naghilamos ako ng mukha at nagsimulang mag toothbrush nang nakapikit.

Matapos ang apat na beses na pagkiskis ko sa ngipin ko, nagtaka ako.

"Bakit parang ang lambot yata ng bristles ng toothbrush ko?"

Pag mulat ko ng mata ko, toothbrush pala ng sapatos yung nadampot ko.

"Oh no."

Pinanglinis ko pa naman yun ng walking shoes ko the night before. Alam mo yun, yung swelas ng sapatos ko na violet na araw-araw ko ginagamit at ilang buwan ko nang di nilalaban. Grabe talaga.

Gusto ko tumawa ng malakas kaya lang sobrang antok ko. Tsaka walang katao-tao sa dorm. Baka mamaya pag sinabi kong "ang tanga ko" e may boses pang sumagot at sabihing "oo nga!"

So bumalik na ako sa kwarto. Pag uwi ko sa bahay, hagalpakan sa tawa ang mga kapatid ko.

Mwehehehe!