Surprise!

Marami talagang sorpresa na dala and Pasko. Isa na dyan ang panghuhula kung ano kaya ang mga natanggap mong regalo mula sa iyong mga kaibigan at officemates. Para sa akin, isa sa mga highlights ng Pasko ang pagbubukas ko ng regalo sa Dec. 24. Pero hindi ko na iniintay yung 12 midnight ha. Tanghali pa lang, sinsira ko na ung mga gift wrapper.

So naintriga ako sa natanggap ko mula kay Mang Frank sa aming Kris Kringle sa Devcom. Pahaba. Cylindrical. Ano kaya ang nasa loob?

"Ah, siguradong kalendaryo to."

Habang binubuksan ko, parang masyado siyang matigas para maging kalendaryo.

"Ah, alam ko na! Alkansya to."

Habang pinipilas ko ang papel, mukhang mali pa rin ako. Kasi ang bigat, parang may laman sa loob. Hindi naman siguro nya nilagyan ng limang pisong barya ung alkansya. P100 lang ang budget per person eh.

"Ah! Hot chocolate tablea siguro. Masarap to, hindi na ako bibili sa McDo."

Ngunit sa kasawiang palad, mali pa rin ang hula ko kasi masyadong malaki ang lalagyan para sa tablea. Tsaka silver yung ilalim na may manufacturer’s label na di ko mawari. Habang unti unting nauubos ang gift wrapper, takang - taka pa rin ako.

"Ano tong nakasulat? ‘Tianshi? Bakit may insektong naka drawing sa label?’"

Yun pala, niregaluhan nya ako ng insect killer. Tawa talaga ako ng tawa ng pinakita ko sa pamilya ko.

"Tingnan nyo oh!May nag regalo sa akin ng pamatay ng lamok. Akala ko nga Raid ang brand. Pano kaya nalaman ni Mang Frank na maraming lamok sa bahay natin?"

Mwahahaha talaga! Natatawa lang ako pag naiisip ko ang regalong to. Minsan kasi, may mga gusto tayong matanggap tapos malalaman natin sa dulo, kahit hindi natin ito makuha, yung talagang kailangan natin, yun ang ibibigay sa atin.

Kaya panalo pa rin itong insect killer ni Mang Frank - ang pinakamalaking surprise ng Pasko 2005 ko. Masubukan nga mamaya.

One Response to “Surprise!”

  1. Chelsea Says:

    what a story.. astig ka tlga LOU! mga ganyang kwento, si lou lang makaka-experience at makakapagkwento. hehe. Let’s hang out some time lou! Merry christmas!

Leave a Reply