Umaalon alon pa!
Lunes,
August 8,2005
8am
sa opisina sa UPLB
Mejo umiikot ikot pa ang utak ko kasi kakadating ko lang ngayong 4am mula sa sta.fe, romblon. Nagbigay ako ng leadership training sa 20 high school students dun sa national high school nila. Volunteer work yun with pahinungod at limang comsci teachers kaya sobrang sakripisyo talaga on our part.grabe talaga,all in the name of service.
imagine, mula batangas pier, 9 hours na boat trip hanggang odiongan. Nung nasa tablas strait na kami, dinuyan-duyan kami ng dagat habang natutulog sa aircon cabin. ito pa yung ok na part dahil pwede pa kaming mag-tumbling sa lawak nung tulugan. sa port, patuloy ang napakasungit na panahon. Dalawang oras kaming sumakay sa "islander" na jeep. Tumutulo tulo ung bubong kaya pinasakan ni kuya romel ng sandwich bag at masking tape. Wala pa daw pampagawa ang driver sa hirap ng buhay dun. ang lakas ng hangin at giniginaw na kami tapos sobrang lubak ng kalsada. walang lamp post, walang landmarks at wala kaming makita. ang sabi sa amin nung principal, alam na daw nung driver kung saan kami ibababa. yun pala, hindi nya alam kung saan.
Dalawang oras lang ang tulog namin bago kami bumanat ni ynel sa leadership training. Dahil wala akong kasubstitute sa klase ko, 7 hours ako nag fafacilitate!!! buti na lang, nakatulong ko si grace at tin sa group work.pagkatapos nun, plakda na talaga ako. Laspag na ang boses, mejo frustrated, mejo masaya, gutom at giniginaw.
pag-uwi namin pa-los banos nung linggo, pinilit na lang namin ang sarili naming matulog kasi hilong-hilo na kami sa alon. hindi ako mapalagay sa munting
kama
at umiikot ang mundo ko. ganun daw talaga pag open sea. pero pagdating sa may batangas, ok na naman.
pakiramdam ko nga, umaalon alon pa rin ang kapaligiran dahil sa pagod ngayon. makapag half day kaya?
at least, ang konsuelo namin, kahit papano, kahit mahirap, nakatulong kami, kahit isang araw lang.