Habang naliligo
Nakalimutan kong sabihin na habang naliligo ako sa banyo dun sa romblon ay natanggal yung buong gripo. Alam mo yun, nakahubad ka at nagko-concentrate ka paano ipampapaligo ang sobrang lamig na tubig at 630 ng umaga. Nasanggi ko yata yung blue na plastic na tubo na naka-epoxy sa gripo at POOF!!! Natanggal na lahat mula sa dingding!
Aba eh nagulat talaga ako. Bumubuhos ung tubig mula dun sa butas sa tiles at hindi ako sigurado kung paano ko sasabihin dun sa may-ari ng bahay. So, ang ginawa ko, out of instinct, isinalaksak ko ulit ung tubo sa dingding. Kumabit naman! Hay salamat! Nakahinga ako ng maluwag at nakapaligo ako ng maluwalhati.
Ganun kaya lahat ng gripo?
August 22nd, 2005 at 10:06 am
This is so funny baby lou!…miss na kita. Alam ko may bago ka nang mga bestfriends dyan…pero wag mo ako kakalimutan ha…
alabyu and mishu!
October 20th, 2005 at 10:55 pm
natawa naman daw ako sa kwento mo… para na ako sira dito sa ofc na pangiti-ngiti sa nababasa ko sa blog mo… hehe!