Ang aking mga estudyante…
kulang na kulang pa sa critical thinking skills. Hindi pa nade-develop dahil sa ilang taon ng neglect. Tinatanong mo ng simple kung bakit yun ang sagot nila, pero walang masabi. Halimbawa, nagpalista ako ng characteristics ng leader from A-Z. Ang nakasulat sa letter Y…
"Y - yelling all the time"
ako: O bakit yelling all the time ang nakasulat dito?
lahat: katahimikan
T - tolerance
ako: o maganda ito! ano ba ang ibig sabihin ng tolerance?
lahat: katahimikan
Halo na siguro ng hiya, language barrier, at hindi sanay isipin kung bakit nga ba. Noong padulo na, nauubos na talaga ang pasensya ko kasi pagod at walang sumasagot.
ako: Umuwi na lang kaya tayo?
lahat: katahimikan
Pero ano ba ang magagawa ng inis? Ano ba naman ang maaasahan ko kung sa participation nila eh walang kuryente sa school, kulang sa teacher, walang library, kulang sa classroom. Kaya wala nang extension pagdating ng alas singko. Uwian na talaga.
At least, nag-enjoy sila sa maraming laro at palakpak na tinuro ko. Makikita mo talagang lumalabas ang acting at singing skills nila.Bentang benta sa kanila ung "Banana!" "Ooh-la-la clap" at tsaka "Bahay,Baboy, Bagyo!" Nabubuhayan rin sila pag binibigyan sila ng pagkakataong mag-share sa small group discussion. Siguro dun muna ang simula.
Sabi nila sa evaluation sa dulo, "Ate Duday, sana mas marami ka pang matulungan na mga estudyate." Naantig naman ako. Siguro, kahit dun man lang sa katagang yun, bawi na lahat ng sacripisyo ko.
p.s. sabi nung ilang studyante, kamukha ko daw si ara mina. mwahahah! pero mas malaki definitely yung boobs nya.