Archive for July, 2005

The Joy of Loving

Wednesday, July 27th, 2005

"So this is love…so this is what makes life divine. I’m all aglow,and now I know. The key to all heaven is mine. My heart has wings, and I can fly. I’ll touch every star in the sky. So this is the miracle, that I’ve been dreaming of… So this is love." 

                                                 —CINDERELLA (taken from my sis Sandy’s blog)

kaya ko kinopya ang linyang ito mula sa blog ng sis ko kasi maganda siya pakinggan. nakaka relate ako kasi in love ako. palagay ko pagmamahal ang nagpapaganda sa tao. Para sa kin, miracle ang love, kasi natututo kang mag-grow at magpatawad kahit na mahirap, masakit, at nakakaiyak.

Sabi ni Buddha "In the end, only three things matter - how much you loved, how gently you lived, and how gracefully you let go of things not meant for you." Totoo ito batay sa aking karanasan kaya natutuwa akong patuloy na pag-isipan at subukang tuparin ito.

Pwede bang ulitin ang high school?

Wednesday, July 27th, 2005

Masayang masaya ako ngayong araw dahil bumalik ako sa high school ko para magbigay ng career talk. Inimbitahan ako ng St. Theresa’s College QC sophomore class at batch ‘81 to give an orientation on dev com at sobrang sabik ako. Wala pa ngang official invitation eh nagpapaalam na ako sa boss ko na mag day off para lang makarating sa aking alma mater sa may D. Tuazon Ave.

Pagdating ko, shempre may dala akong dalawang box ng buko pie from Los Banos. Pagpasok ko palang ng gate 1 ng high school department, eh unti unti na akong nalulunod sa mga alaala. Kulang na lang himasin ko ang mga green na dingding at ang upuang tambayan pag hapon habang kumakanta ng "high school life, oh my school life, i remember, kay saya…"

Kaya naman nung humarap ako sa 200+ na sophomores, ang taas talaga ng energy level ko. Nagturo pa ako ng ooh-la-la clap kasi bored na bored na sila. Mukha namang nakuha ko ang atensyon nila sa 20 minutes na nagkuwento ako tungkol sa devcom. Tsaka sinabi ko rin na kahit maniwala sila o hindi, ung Palihan na ginagawa nila, yung sangkatututak na theme papers at ung walang patid na pagdadasal ay may pakinabang paglabas ng STC.

Para talaga akong flip. Kung pwede nga manghiram ng uniform, siguro ginawa ko na, para malubos lubos ko ang aking pagbabalik. Astig nga yung ID nila, may bar code na ngayon at saka may pangalan na ng STC ung ID tag. Sana ganun din ID namin!

Alam nyo bang kumain ako sa cafeteria at andun pa rin ung antigong cash register na pang museum? Parehong silver na tray pa rin ang gamit at ung timba sa gilid tapunan ng mga tira, andun pa rin. Pagdating ng merienda at pinapapili ako kung ang gusto ko ay Mister donut o yung cheese roll na tinda sa canteen, shempre cheese roll na maasukal ang kinain ko. Bawat kagat, makahulugan talaga kasi ang tagal ko nang di natikman un!

Ang weird na ang saya saya. Anim na taon lang ang lumipas pero halo ang pakiramdam ko. Parang ang tagal na ng high school kasi nagbago na ako pero para din na kahapon lang ako gumraduate kasi ang titingkad ng mga alaala at andun pa rin ung mga inabutan ko dati. The best pa rin na makita ko yung mga studyante na nagkaklase at nagdadaldalan kasi naiisip ko yung sarili ko at yung mga classmates ko dati.

Eto ang mga naka-chika kong mga guro:

1. si ms. castro - ang aking "anak" sa Theresian magazine. hindi na siya nagtuturo ng creative writing and journalism pero in charge na sa instructional media center.

2. si mrs. dela cruz - mommy ni philomel at brand new lola kasi may apo na sya, 8 months old.

3. si mrs. dacutan - naka red lipstick at napagkamalan akong si Tannia Joson

4. si mrs. yalong - hindi ako nakilala sa unang tingin. suot pa rin ang PE outfit nya.

5. si mrs. sacdalan - regal na regal pa rin tingnan. unmistakable ang booming voice sa microphone habang nagdidirect ng practice ng mga student leaders.

6. si ms. valdivia - nasa guidance counselling na

7. si mrs. billones - may 2 kids na studying in stc too. dynamic pa rin at jolly.

8. si ms. San Jose - smiling face pa rin. sabi ko sa kanya, sumigaw pa rin ako nung frog dissection sa college.

9. si ms. magistrado - bumalik na ang sexy figure nya kasi last time nakita ko sha na magkakababy. mukhang happy na happy

10. si mr. valencia at si ms. claudio - gumagawa pa daw sila ng baby

11. si ms. paragas, mrs. romero, mr. naig (walang dalang gitara), si sir del mundo, si sir zaraspe (si hazel pa rin ang GF!), ung 3rd yr guidance counselor namin na pregnant rin, atbp mga bagong guro.

Basta kulang ang 1 araw para maging high school ulit. Sabi ko nga sa sarili ko, "Lord, pag ginawa mo akong high school student, promise, mag babarkada na ako, tsaka gigimik na ako!" Heheh! Minsan nga, gusto kong ulitin ung buhay ko nun para itama yung mga mali kong nagawa. Pero ok lang kasi at least, ngayon na realize ko na yung mahahalagang bagay.

Hay, buti na lang may STC. Kelan kaya ako ulit babalik?