Hey SUPERFOX! You are headed somewhere fabulous!

October 11th, 2009 by lamariposa

“And starting today, you’re not the kind of woman who settles for broken or hangs on to damaged goods - be it a radio, a pairs of shoes, or a relationship. Your life is not a yard sale. It’s time to get rid of all the broken stuff that you’ve been lugging around for days, months, even years, and start making the bold decision to start looking for stuff that works. The bright, simple, clean, easy, runs-so-smoothly-I-don’t-even-have-to-think-about-it kind of works.

…Anyone who assesses you or your relationship as disposable is not worthy of your time or tears.

…Just because you have a broken relationship doesn’t mean you are.

…This breakup is the first step toward finding someone truly worthy of your greatness”

Palagay nyo ba pwede kayo magka HIV AIDS?

August 29th, 2008 by lamariposa

Matagal ko nang gustong magtanong sa mga friends ko tungkol sa HIV
AIDS. Hindi ko kasi alam kung anong iniisip ng mga kakilala ko tungkol
dito. Wala naman nagturo sa akin UPLB tungkol dun kahit maraming
nagse-sex. Wala ngang nagturo sa aking pano ang tamang paggamit ng
condoms at kung anong lubricant ang pwede (hindi pwede ang whipped
cream at vaseline okay) at bakit issue kung mag break ang condoms.
Nabasa ko lang sa Internet kasi kailangan kong i-educate sarili ko.

Nakakita na ako ng mga safe sex campaign sa campus pero walang namang
demonstration. Lalo namang walang nagturo sa akin nun sa STC kahit
isang dekada ako dun nag-aral. Ewan ko kung may balak silang isama yun
sa curriculum ng isang Catholic school.

Alam ko lang, mas maraming takot mabuntis kaysa magka AIDS. Ano sa
palagay n’yo? Hindi ko sure kung mabenta na ba ang condoms sa LB ngayon
o kung nakakahiya bang bumili sa tindahan ng condom kung kasama n’yo
mag grocery ang mga blocmates at roommates nyo. Hindi ako sure kung
pwede akong pumunta sa infirmary at pumila para magtanong kung san ba
yung HIV testing, kung magkano ba yun, at kung masakit ba yun. Hindi ko
sure kung paano magre-react yung mga taong nakapila kapag nalaman nila
na yung katabi nila baka may AIDS o baka rin wala, curious lang sila sa
status nila.

Dito kasi sa trabaho ko, puro yan ang mga issue. Feeling ko, ang weird
naman kung alam ko kung ano ang nangyayari sa Africa pero sariling kong
mga kaibigan hindi ko alam ang iniisip nila.

Palagay nyo ba pwede kayo magka HIV AIDS? Iniisip nyo ba yun? Bakit oo
at bakit hindi? Natatakot ba kayo o hindi kayo concerned? Sino ba dapat
ang maging concerned?

Masakit pala matapilok

February 26th, 2008 by lamariposa

Noong December 22, natapilok ako on the way sa pagkuha ng pera sa ATM. Six o’clock ata ng umaga noon at nagsimbang gabi kami ng Daddy ko kasi 53rd birthday niya noon. Medyo inaantok pa talaga ako kasi hindi naman ako sanay gumising ng ganun kaaga at na-stress out ako sa kakaisip ng data gathering ko sa Los Banos.

So matapos yung misa, sabi ko sa kay Daddy maghanap kami ng ATM na tumatanggap ng VISA. Noong mga panahong ito, nahihirapan talaga ako sa pagbabalanse ng pera sa research tapos ang taas pa ng charges sa akin dahil non-Chase withdrawal yung ginagagawa ko. Kung hindi ako nagkakamali eh naka-tatlong ATM na ata kami bago kami huminto dun sa branch malapit sa bahay namin.

Pinark ni Daddy yung kotse at bumaba naman ako. Madilim pa nun. Naalala ko na ang ganda ko pa naman nung umagang yun - naka blazer ako na brown kasi medyo malamig, blue jeans, at inner shirt na pink yata.

"Finally, may ATM!"

Natuwa naman ako dahil abot kamay ko na ang pera. Isang maliit na parking lot na lang ang naghihiwalay sa amin. So dirediretso ako ng lakad. At wala pang 5 seconds eh sumubsob ako sa lupa.

"BLAGGGGGGGGGG!!!"

Napahalik ako sa alikabok.

"Arayyyyyyyy!!!!! What the heck just happened????" sigaw ng utak ko in English habang naka-Spiderman pose ako sa gitna ng maliliit na bato at semento. Pagtingin ko, may kwerdas pala kasi nga parking lot yun at hindi ko nakita dahil naka-focus ako dun sa ATM machine at inaantok ako.

Ang tanga ko naman, naisip ko. Apat na nga mata ko, hindi ko pa nakita.

Hindi ako nakapag-react sa sobrang gulat sa nangyari sa akin. Aba, five years ago pa nung huli akong ma-plakda sa kalye at yun ay dahil may pangahas na lalaking nakasakay sa likod ng traysikel na sumubok na i-snatch ang bag ko sa Los Banos. Nakalimutan ko na kung gaano kasakit sa katawan ang madapa.

Dahan dahan akong tumayo at tiningnan ko ang paligid.

"Oh my god, buti na lang walang tao!"

Narinig ng Daddy ko mula sa loob ng kotse na may kumalabog kaya binaba nya yung bintana. Akala ko eh tatakbo yung Daddy ko to the rescue, alam mo yun, parang pelikula na sisigaw siya ng "Anakkkkkkkk, anong nangyari sa yo????" Yun pala akala nya, nahulog lang yung Tommy Hilfiger kong bag kaya may narinig shang ingay.

"OK LANG AKO DADDY!"

So tumayo na ako at sinubukan kong isalvage ang pride ko para makakuha ng pera. Mukhang mocha milkshake na yung brown kong blazer. Naisip ko na lang thank God at hindi ako nag-sleeveless at skirt, kung hindi puro gasgas ako ngayon. Baka magpeklat pa, bad trip pag ganun.

Bumalik ako sa kotseng iika-ika at natawa yung Daddy ko sa kin kung bakit di ko napansin yung kwerdas. Mwahaha. Natawa rin ako sa sarili ko. It was a grounding experience, literally. I don’t fall flat on my face every day and it was such a joy to tell the story to my friends afterwards. Para bang kahit gaano katalino o kataas ang tingin nila sa akin, I’m just like the rest - antukin at may pagkabulag paminsan minsan. Normal pa rin ako, mwahahaha!

Looking back, I realized na kung nga ang blood clot sa kanang balakang at gasgas sa kaliwang tuhod ko eh gumagaling at ang lost poise ay nare-recover, pano pa kaya ang puso diba? Resilient ang heart, at kahit ilang beses pang madapa at masaktan, laging may natitirang lakas para bumangon at magmahal muli.

Aveces en abril (Sometimes in April)

January 17th, 2008 by lamariposa

"In the end we will remember, not the words of our enemies but the silence of our friends."

- Martin Luther King Jr.

Kagabi pinanood namin ni Laura ang isang pelikula tungkol sa Rwandan genocide. "Sometimes in April" ang title at ang classmate namin na si Valentin, isang graduate assistant na tulad ko at mula rin sa Communication and Development Studies program, ang nagbigay ng introduction sa pelikula.

Jolly person si Valentin. Unassuming at humble siya at laging nakangiti. Pag nakita mo siya, babatiin ka niya ng isang energetic na "how are you?" sabay abot ng kamay niya para sa handshake. Para lang siyang isang tipikal na 1st year Master’s student sa OU na nag-aadjust sa kultura sa America.

Dahil pare-pareho kaming studyante, minsan nakakalimutan ko bakit nga pala special si Valentin. Galing nga pala siya sa Rwanda kung saan naganap ang isa sa pinaka-kagimbal gimbal na massacre ngayong 20th century.  Eleven years old lang ako nung  April ng 1994 at naghahanda ako maging grade 6 student sa St. Theesa’s College. Wala naman  talaga akong masyadong alam  sa mga pangyayari kaya gusto  kong umatend ng film showing.

Hindi ko ini-expect na iiyak ako ng ganun pagkapanood ko ng pelikula. Iyakin naman talaga ako sa mga madramang bagay pero dito sa "Sometimes in April", iba yung pakiramdam ko. Sa kalagitnaan, terrorized na terrorized ako dun sa eksena kung saan in-evacuate ng mga UN peacekeeping forces yung mga Caucasian expatriates para hindi sila maipit sa gulo. Tapos pagdaan ng van, naglabasan mula sa likod ng mga puno ang isang malaking grupo ng mga kalalakihan, mga Hutu, na may dalang machete at clubs.

Wala na kasing magliligtas dun sa mga naiwan na Tutsi na tinatawag nilang "mga ipis" kaya pwede na silang patayin. Iniwan na sila ng UN at wala namang pakialam ang buong mundo sa nangyayari. Iniisip ko talaga, anong ginagawa ko nung araw na yun? Naglalaro ba ako? Nag-aaral ba ako? Meron ba akong dapat na ginawa? Iniisip ko na pwedeng si Valentin yung isa sa mga namatay sa genocide. Pwedeng yung asawa niya o kapatid niya.

Tumutulo yung luha ko kakatanong sa sarili ko ng paulit ulit "I don’t understand! How could this happen?" Nakakadurog ng puso talaga nung binaril ng mga sundalo yung 120 na schoolgirls sa classroom kasi walang gustong umamin ng ethnicity nila. Isang daang araw, halos isang milyon ang pinatay.

At pagkatapos ng movie, niyakap ko si Valentin at umiyak ako sa kanya kasi hindi ko talaga maintindihan bakit nangyari yun, bakit masayahin pa rin siya sa kabila ng lahat, kahit na pinatay ang mommy niya noon. Sabi niya, "would you like to go and visit Rwanda and see all these places for yourself?" I was not sure what to say but I eventually said yes. And then Valentin, understanding how broken my heart was comforted me all the way to our house and said "We have to be strong!" in his jolly old voice.

Yes he has seen a lot of wickedness and yes it has brought him pain but in the end he told me that we have to move forward. He will speak again tomorrow about living in conflict areas with Haroun, our classmate from Afghanistan.

Sometimes in April (a movie by Raoul Peck)

Five days before vacation, 15 days before I land in Manila

November 13th, 2007 by lamariposa

10:20am

I’m sitting here at the language laboratory filled with Mac computers while downloading my new favorite song, Girl From Ipanema. I love it - sad and beautiful - and I can’t wait to dance it with someone!

Link: http://youtube.com/watch?v=lKfl15c-Kh0

Olha que coisa mais linda, mais cheia de graça,
É ela menina, que vem e que passa
Num doce balanço, caminho do mar
Moça do corpo dourado, do sol de Ipanema, O seu balançado é mais que um poema
É a coisa mais linda que eu já vi passar .

Ah, porque estou tão sozinho, ah, porque tudo é tão triste, ah, a beleza que existe
A beleza que não é só minha, que também passa sozinha
Ah, se ela soubesse, que quando ela passa, O mundo sorrindo se enche de graça
E fica mais lindo, por causa do amor

(Tall and thin and young and lovely
the girl from ipanema goes walking
and when she passes, each one she passes goes "Ahhh…."
When she walks, she’s like a samba that swings so cool
and sways so gently that when she passes
each one she passes goes "Ahhhh…."

Oh but i want her so sadly
How can I tell her I love her?
Yes I would give my heart gladly
But each day when she walks to the sea
She looks straight ahead not at me)


"
An acceptance of the beauty of youth, of men desiring a gorgeous
woman…but including the loneliness that desire brings…and then knowing
that this beauty is not just for men, for this man or this woman, but
for all of us…that a young woman’s beauty is part of what makes life
worth living."

do yourself a favor and clean your ref

August 31st, 2007 by lamariposa

Minsan iniisip ko, nakakarma yata ako dahil hindi ako nakikinig sa daddy ko dati nung pinapagalitan nya kami dahil tamad kaming maglinis ng ref. Sasabihin niya lagi na hindi ba daw namin nakikita na namumugalgal na ang ref namin at namumuo na ang alikabok sa gilid kapag nadikit ang hintuturo sa ilalim ng pintuan. Eh kami namang apat na magkakapatid ay walang amor sa pag-iisis ng ref dahil masyadong matrabaho kaya hindi namin masyadong binibigyan ng panahon.

Kaya naman siguro naisip ni Lord maturuan nga ako ng leksyon. Nung isang taon, ito ang unang reklamo ko sa lumang bahay namin sa West Washington. Akala ko, sapat na yun para maipalala sa akin na virtue ang paglilinis. Pagtuntong ko sa bagong apartment kasama si Lauren at ilang plastic bag ng gulay mula sa Wal-Mart, sabi niya, "Let’s pt it in the ref before it spoils." At dahil full support ako sa kanya, sabay naming binuksan ang mahiwagang ref.

"Oh my gosh, what is that smell????"

Sa freezer pala eh nakalimutan namin itapon ang dalawang pint ng ice cream. Kung di ako nagkakamali eh pineapple coconut at strawberry shortcake ata yung flavors. Pero hindi na yun ang itsura niya pagkakita ko. Malambot na malambot na yung carton at may parang weblike na film sa taas nung natirang ice cream na maitim itim at animo’y may sumabog na spray ng rat poop (kasi maitim, maliit, at sobrang dami) sa buong kisame ng freezer. Siyempre may mga malilit na langaw na nag-survive. Nakakasuffocate yung amoy, grabe! Nangalahati yata yung Febreeze na hawak ako at yung bote ng bleach namin.

Mga isa’t kalahating oras ko yata sinasabon para mabawasan ang maasim na amoy sa loob ng bahay namin. Nung binuksan ko yung lower compartments, natagpuan ko na may keso palang natira at may nabubulok na kalahating slice ng kamatis sa vegetable bin. At yung mga condiments namin, naiwan sa loob sa parang pinagsamang active dry yeast, mustard, worcestershier sauce, chili bean paste, catsup, pickles, at tubig yung amoy.

Grabe, hindi kinaya ng powers ng cheap incense ko at ng ocean scented na kandila ang tindi ng alingasaw ng mga nabubulok. Kasi naman, paano ba nangyaring naiwang nakalagay sa lowest temperature ang ref namin? Ayan tuloy, nasira ang laman sa loob. Dalawang araw na nga ang nakakalipas eh may naamoy pa rin akong masangsang eh. Hindi ko na nga alam kung saang bote nanggagagling yun kaya kaninang umaga eh medyo mukha akong tanga na inaamoy kung bote ba ng nata de coco yung dapat kong itapon o yung bote ng pickles.

Kaya ayun, habang nagkakaskas ako ng kulay orange at brown na libag ng ref namin, naisip ko na tama talaga ang tatay ko. Dapat talaga nililinis ang ref. At sa susunod uubusin ko na yung ice cream, cheese at kamatis para hindi na kailangang iwan sa freezer.

Ziplips

August 7th, 2007 by lamariposa

Natawa lang ako sa sarili ko kahapon. Kasi dapat 720 am darating yung bus papunta sa MRT eh nagkataon, mas maaga sa schedule dumating at hindi ko yun inaasahan. Mula sa kalye ng bahay namin, nakita ko yung 1Z bus na huminto na para kumuha ng pasahero kaya kumaripas ako ng takbo kahit naka two and a half inches na takong ako. As in pinapawisan na ako kasi naka long sleeves ako at may kikay bag pa akong dala.

Akala ko hihintayin ako hihintayin ako ng driver. Nahihiya naman kasi akong ikampay ang kamay ko para lang tumigil siya. Sa kasamaang palad, umalis yung bus na wala ako at pagkatapos kong magbuntong hininga eh napansin kong nakabukas pala yung zipper ko habang tumatakbo ako.

May I ask you out for lunch?

July 31st, 2007 by lamariposa

Isang buwan bago ako nakapag adjust sa buhay dito sa DC. Matagal yun pag iniisip ko kung ilang araw akong kumain sa harap ng computer ko for ten minutes tapos trabaho na ulit. Kasi naman, hindi ko matantsa kung ok lang bang imbitahin ko yung sarili ko sa kanya kanyang lunch break ng mga tao dito. Hindi kasi set na 12 noon lahat maglalabasan o mag-iinit ng baon sa microwave. Eh diba parang nakakahiya naman na feeling close ako sa mga ibang interns kaya ayun medyo nakakalonely yung panahon na yun para sa kin.

Pero naisip ko, pagkatapos ng 30 days, "Ano ba yan!! Nag se-self pity ba ako? Ano bang ini-expect ko, maawa sila sa akin at sila ang pumila sa harap ng office ko para imbitahin akong kumain?" So the following day, sabi ko kay Caitlyn na nasa kabilang kwarto, "Uy invite kita for lunch, ipagluluto kita." Si Caitlyn kasi, she makes it a point to drop by and ask how things are going with what I’m doing. Although I know that she doesnt understand everything that I say, I appreciate the gesture. Tsaka, nasasayahan naman ako magluto so I knew it would make internship more enjoyable fore me.

So I cooked baked salmon with lemon and parsley and bok choi and tofu with oyster sauce for our lunch. I learned how she got to Ashoka and that she takes Spanish classes on Tuesday afternoons for her third language because she’s fluent in French already. 

After that, it became easier to invite others. I cooked bacon and corn soup and garlic bread for Betsy; asked Robert for coffee at Starbucks; and prepared roasted chicken, mixed vegetables and melons for Kila. This week, I’ll be cooking chicken curry for Tyler and Cammie, have coffee with Joe, and lunch of catfish steak, tom yum soup, and bamboo shoots in coconut milk with Sarah. In turn, they also invite me when they eat out at Spice of Life, like during Ruchi’s departure and another time when we all went to watch Tyler’s play in Chinatown.

Naisip ko, I have 17 days left in DC so I have to make the most out o if it. I have to make the effort to make these relationships happen and grow. Hindi pwedeng "nahihiya ako" forever and give excuses to myself. Dios mio diba, walang mangyayari sa kin kung ganun lagi.

Sinabihan na nga ako ni Robert at ni Kila sometime in early July na lumipat ako dun sa malaking office para naman may human interaction ko while my boss was away for her London trip. Kasi kung hindi, ang magiging best friend ko ay yung computer. Although maingay doon at mas mahirap for me to concentrate, I took their advice and stayed there for several days and now I’m back in the loop.

So ngayon, kahit na hindi nila ako kasama gumimik pag gabi sa DC (malayo kasi sa bahay namin), I’m proud to say I’ve cultivated some friends here through lunch invitations. I know one meal does not make a relationship last but I think it’s a sweet way to remind them many years from now that we shared this Ashoka experience during the summer of 2007.

What made me giggle today

July 30th, 2007 by lamariposa

Reading Good magazine’s article on John Hodgman, humorist and ersatz know it all. He’s The Daily Show’s "resident expert".
"I’m not going to humiliate you with my incredibly large brain."
But seriously I agree with him when he said that "telling the unlacquered truth…is far more taboo than the dirtiest joke."

And then they came for me

July 12th, 2007 by lamariposa

 I Saw a Mountain
We are the shoes, we are the last witnesses.
We are shoes from grandchildren and grandfathers,
From Prague, Paris and Amsterdam,
And because we are only made of fabric and leather
And not of blood and flesh, each one of us avoided the hellfire.



———–

Nung weekend, pumunta ako ng Holocaust Museum dito sa DC kasi sabi ng kaibigan kong si Nicole, maganda daw tsaka nakakaiyak. Akala ko mga 2 oras lang tapos na ako pero dahil napaka comprehensive ng collection nila, 4 na oras bago ako nakalabas. Kakaiba itong museum na to kasi meron silang kasama sa exhibition na sapatos nung mga Holocaust victims. Yun ang pinaka naaalala ko - bundok bundok na lumang  sapatos na pinahubad sa mga tao sa labas ng gas chambers. Ang sabi sa kanila, tandaan daw nila kung saan nila iniwan yung gamit nila kasi mag-shower lang sila sa loob. Pero kunwari lang yun.

Nakakaantig kasi isipin mo, yung sapatos nakaligtas pero yung mga may-ari nun hindi. Yung quoate sa taas ng blog ko, yun ang nakapost sa tabi ng display. Itong mga sapatos na ito ang huling saksi sa mga huling segundo ng buhay ng mga milyong milyong biktima na hindi na lumabas sa mga concentration camp.

Tapos meron din dun sa exhibition nung cart kung san pinagsiksikan yung mga Jews sa loob. Nakakatakot pumasok sa loob. Isipin mo para kayong mga bakang pinagkasya sa isang madilim at masikip na box na wala halos butas. Grabe.

Pagdating ko sa dulo, naiyak ako nung sinabi ng isang survivor, "Sana isipin nyo na yung mga nakikita nyo sa museum ay hindi lang mga simpleng books. Yan ang mga prayerbooks na ginamit ng pamilya namin para magdasal noong araw at ngayon, hindi na namin maiuuwi yan kahit gustong gusto namin.  Hindi ko lang talaga kayang kalimutan lahat ng nangyari. Hindi ko kayang magpatawad. Sana, wag nang maranasan ng mga susunod pang henerasyon ang nangyari sa amin. At sana pag may nakita kayong pangyayari na walang katarungan, wag kayong magsawalang kibo."

at ito yung nakasulat sa poster nila sa isang exhibition room:

First they came for the Socialists, and I didn’t speak up,
because I wasn’t a Socialist.
Then they came for the Trade Unionists, and I didn’t speak up,
because I wasn’t a Trade Unionist.
Then they came for the Jews, and I didn’t speak up,
because I wasn’t a Jew.
Then they came for me, and there was no one left
to speak up for me.